^

Punto Mo

Lalaki sa Japan, inaresto matapos tumawag ng 2,060 beses sa mga pulis!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG lalaki sa Japan ang inaresto matapos makaabala sa paulit-ulit niyang pagtawag sa mga police station hotline na umabot ng 2,060 beses!

Ayon sa Saitama Prefectural Police, nakatanggap ang kanilang headquarters ng paulit-ulit na tawag mula sa isang lalaki. Sa tuwing tatawag, puro pang-iinsulto sa mga kapulisan ang mga sinasabi nito sa telepono.

Bukod sa verbal abuse, nakaabala ang hindi pina­ngalanang lalaki dahil sa loob ng siyam na araw, 2,060 beses itong tumawag sa istasyon para lamang magbigay ng masasamang salita laban sa mga awtoridad.

Sa phone call record ng Saitama Police, mahigit 27 hours ang oras na ginugol ng lalaki para magsalita ng hindi maganda sa mga kapulisan ng Saitama prefecture. Dahil dito, inaresto ng mga pulis ang lalaki.

Ang lalaki ay 67-anyos na senior citizen. Kinasuhan siya ng “obstructing police business”.

Hindi pa malinaw ang motibo ng lalaki pero sa nakumpiskang cell phone sa kanya, ilang taon na niya itong ginagawa ngunit nga­yong 2022 mas tumindi ang pang-aabala at pang-iinsulto nito sa kapulisan.

Sa kasalukuyan, nakakulong pa rin ang lalaki dahil hindi ito nakikipag-cooperate sa imbestigasyon.

POLICE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with