^

Punto Mo

BFAR ­nagpaparamdam lang ba?

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

Pinagbawal ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang pagbebenta ng imported na salmon at pampano sa mga palengke at pribadong supermarkets. Dahil daw sa reklamo ng mga lokal na mangingisda. Oows, totoo?

Maraming napatawa at napaismid. Mistulang nauwi sa pulitika ang dahilan ng pagbabawal sa pagtitinda ng salmon at pampano.

Ang mga karne ng manok at baboy ay iniimport na rin sa China pero wala namang naririnig na pagtutol sa mga lokal na magmamanok at magbababoy. Bakit nga kaya?

Idinadahilan ang matataas na suweldo ng mga empleyado at napakamahal na pagkain ng mga baboy at manok ng local poultry and hog raisers. Kung tutuusin, mas mura pa ang frozen imported na mga karne. Timbre lang naman ang kailangan di ba? He-he-he!

Mas malinaw sana kung ang masamang epekto sa kalusugan ng kumakain ang dahilan. Pero kung ang kompetisyon sa pagitan ng mangingisda at importer ng salmon ang dahilan, paano naman ang karapatan ng mamimili kung ano ang gusto nilang iulam?

Unahing imonitor ng BFAR ang importers ng isda na ang permiso ay “for canning purposes” pero sa mga lokal na palengke bumabagsak. Baka matulad kayo sa kutsabahan ng Customs at Department of Agriculture sa usapin ng recycled permits sa importasyon ng bigas. Ingat sa pagdedesisyon mga tsong!

BFAR

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with