^

Punto Mo

Babaing sanggol sa Mexico, ipinanganak na may buntot!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

Isang babaing sanggol sa Mexico ang ipinanganak na may buntot na may habang 5.7 centimeters!

Ang hindi pinangalanang sanggol ay ipina­nganak sa pamamagitan ng ­caesarean birth sa isang ospital sa Nuevo Leon, Mexico.

Pagkalabas ng sanggol sa sinapupunan, agad napansin ng doktor ang 5.7 cm na buntot na nakausli sa may tailbone ng bata.

Sa panayam sa doktor, sinabi nito na malambot ang buntot. Bukod dito, nababalot ito ng human skin at manipis na balahibo. Dagdag na description pa nito ay nakabaling ang buntot sa kaliwa at medyo matulis ang dulo nito.

Dahil ito ang unang pagkakataon na naiulat na batang may buntot sa Mexico, agad isinailalim sa pag-aaral ang sanggol.

Sa masusing pag-aaral, napag-alaman na ang buntot ay may muscle, blood vessels, nerves ngunit walang buto.

Sa iba pang pagsusuri sa sanggol, nakita na healthy ito at walang kahit anong komplikasyon at sakit sa katawan.

Pagsapit ng ikalawang buwan ng sanggol, nadagdagan pa ang haba ng buntot nito ng 0.8 centimeters. Dahil healthy ang sanggol, nagpasya ang mga magulang at doktor nito na tanggalin na ang buntot.

Minor operation lamang ang pagtanggal sa buntot at agad na-discharged ang sanggol dahil wala itong naranasang komplikasyon.

SANGGOL

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with