^

Punto Mo

Medical certificate sa mga ‘no show’ na drivers license applicants, nabuko  

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

AYAN na nga, mabuti at nasilip ang ilan pang ‘kalokohan’ sa mga   requirements bago ka makakuha ng lisensya. 

Binalaan ng Land Transportation Office (LTO) ang mga  accredited doctors at medical clinics na papatawan ng parusa sakaling mapatunayang  may anomalya sa kanilang mga operasyon.

Ginawa ni  LTO chief  Jose Arturo “Jay Art” Tugade  ang babala nang makatanggap ng report na may ilang medical clinic at doktor ang nagbibigay ng medical certificates sa mga aplikante na kukuha ng drivers license kahit walang aktual na physical examination.

Naiisyuhan ang mga ito ng medical certificate kahit nga ‘no show’ ang aplikante.

Short cut,  kumubra lang ng bayad, baka nga mas malaki pa ang singil ng mga ito kasi nga hindi na kailangang magpakita o maeksamin ang isang aplikante.

Matindi ang kautusan ni Tugade na walisin ang korapsyon hindi lang sa kanilang hanay kundi maging sa mga accredited partners ng tanggapan, kabilang na dyan ang mga medical clinics na ang serbisyo ng mga ito ay bahagi sa proseso sa pagkuha ng lisensya sa pagmamaneho.

Naku po, paano na nga kung hindi naman natignan ang isang aplikante na magmamaneho at binigyan na lang ng sertipikos, delikado ang ganito.

Mahalaga ang medical certificate sa mga kukuha ng lisensiya upang matiyak na maaari nga itong magmaneho ng sasakyan.

Nag-ugat ito nang mabuko ang gawain ng isang medical clinic sa Bacolod City kung saan kuwestiyunable at talaga namang  kaduda-duda   ang  pagpapalabas nito ng may 186 na  medical certificates  sa  loob lamang ng isang araw.

Walang pila ang mga tao, pero mabilis na na-ibibigay ang medical certificate na pirmado na ng doktor. Ayon nga sa isang nagsumbong hindi naman sila sumailalim sa physical examination pero nabigyan siya ng certificate.

Talagang dapat itong masilip, at mabantayan hindi malayong may ilan pa na ganyan ding ang gawain na mistulang naglolokohan at maaring pagmulan ng maraming disrasya sa lansangan.

DRIVER LICENSE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with