^

Punto Mo

‘Trenchcoat’

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

SI Ed Williams ay mula sa pamilya ng Black American. Ang kanyang ina, si Ada ay ulilang lubos kaya noong dalaga pa ay nakikitira lang ito sa pamilya ng kanyang second cousin. Nagsisilbi itong katulong sa bahay at tagalinis ng simbahan kung saan pastor ang asawa ng kanyang pinsan. Ang komunidad kung saan nakatira ang mag-ina ay mga relihiyoso. Palibhasa ay maliit na bayan, sa iisang simbahan lang sila sumasamba.

Alam ng buong komunidad na si Ed ay bunga ng panggagahasa. Marami ang hindi naniniwala sa mga kapitbahay dahil tikom ang bibig ni Ada kung saan at paano siya ginahasa. Marahil ay lumandi lang ito sa lalaking hindi siya sineryoso. Ang tipo ng mga tao sa kanilang komunidad ay relihiyoso pero mapanghusga at mapang-api. Simula nang ipinanganak ni Ada si Ed ay umalis na sila sa bahay ng pastor. Namasukang janitress si Ada kaya nagkaroon ng kakayahan sila na mangupahan  sa isang maliit na kuwarto.

Itinuring na outcasts ang mag-ina ng mga kababayang relihiyoso at maka-Diyos. Nadamay na rin si Ed kaya nakagisnan niyang pinandidirihan silang mag-ina ng mga kababayan. Ang binyag kay Ed ay “trenchcoat” na ibig sabihin ay “ freak”, “outcast”. Hindi niya naranasang magsimba dahil itinaboy sila ng tiyuhing pastor. Sa school, hindi naranasan ni Ed na magkaroon ng kaibigan. “Bullies” ang marami siya na ipinagkikibit lang ng mga teacher ang nangyayari sa kanya. Minana lang daw niya ang bad karma ng kanyang ina na immoral.

Minsan may pinsang babae ang kanyang ina na nagbalikbayan. Matagal itong nawala sa kanilang lugar dahil itinakwil ito ng pamilya. Napaiyak ito nang malaman ang nangyari kay Ada. Natuwa ang mag-ina dahil sa kauna-unahang pagkakataon may nakisimpatiya sa kanila. Isinama sila ng pinsan sa tirahan nito at doon na sila pinatira. Sinagot ng pinsan ang pagpapaaral kay Ed hanggang kolehiyo. Malapit nang magtapos sa pag-aaral si Ed nang namatay ang kanyang ina. Ipinagtapat nito na ang pastor na asawa ng pinsan ang gumahasa sa kanya.

Naging analyst consultant si Ed ng isang financial company. Siya gumagawa ng analysis kung ang mga kompanyang nalulugi ay dapat ipasara o bibilhin ng kanilang kompanya para ipagpatuloy ang operasyon. Para namang sinasadya ng pagkakataon, ang pabrika sa kanilang lugar ang kailangan niyang puntahan upang tingnan kung isasara na ito o hindi. Ang 60 percent ng mga empleyado ng kompanyang iyon ay kanyang mga kababayan at kamag-anak na nang-api sa kanya. Mataas ang posisyon doon ng tiyuhing pastor.

Pagdating sa opisina pinulong muna niya ang management at mga trabahador. Ipinagtapat niya ang pakay at sitwasyon ng kompanya. Noong last day ng kanyang pagbisita at kailangan na ang final decision, saka siya nagpakilala. Lahat ay natulala kasama ang kanyang tiyuhing pastor. Sinamantala niya ang pananahimik ng lahat nang tumalikod siya.

Sa kanyang final report, sinabi niyang ang pabrika ay bangkarote dahil inubos ng korap na matataas na opisyal, ang company funds, kasama ang kanyang tiyuhin. Bukod dito, maraming utang ang kompanya. Magdudusa lang ang kompanyang bibili dito. Kaya ang kanyang sentensiya, isara ang kompanya. Nakulong ang matataas na opisyal kasama ang kanyang tiyuhing pastor na ama pala niya.

TRENCHCOAT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with