^

Punto Mo

Police visibility paigtingin ngayong holiday seasons

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

ANIM na libong tauhan ang ikakalat ng Philippine National Police (PNP) para magbigay seguridad sa publiko ngayong holiday seasons.

Ipoposte sila sa mga estratihiko at matataong lugar.

Mga tourist-trained daw ang imomobilisa na mga pulis na siguradong mararamdaman ng mga mamamayan.

Ibig sabihin, magiging visible sila sa mga itinoka sa kanilang lugar.

Suspendido ang leave ng mga pulis simula sa  Dec. 15, para magbantay sa publiko sa pagpasok ng holiday season.

Muli ring nagpaalala sa publiko ang PNP na maging mag-ingat na mabiktima ng iba’t ibang modus ng mga kawatan.

Siguradong maging ang mga dating modus muling uulit ‘yan, kasi nga malaki rin ang ­pangangailangan ng mga kawatan at mga manloloko kaya sila sasalakay.

Bilin ng mga awtoridad  sakaling may lumapit at mag-alok ng kung anu-ano, pag-aralan munang mabuti huwag agad-agad sasabak, dahil baka kamukat-mukat mo sangkaterba na ang nakulimbat sa iyo.

Tandaan na sa ganitong panahon, marami ang nag-iisip ng iba’t ibang paraan para makapanloko sa kanilang kapwa na yan ang dapat ingatan.

Ingatan ang inyong kabuhayan na pinaghirapan na siyang tinatarget ngayon ng mga kolokoy na kawatan.

HOLIDAY SEASON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with