^

Punto Mo

Drug users, bida sa kampanya ni Secretary Abalos vs droga!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

GUSTO n’yo maging bida? Hindi bida sa pelikula at iba pa ang tinutukoy ko mga kosa kundi ang progama ni Interior Sec. Benhur Abalos na tinawag n’yang BIDA o Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan. Itong BIDA mga kosa ay isang multi-sectoral fragship program ng DILG para lalong isulong ang law enforcement program ng gobyerno ni President Bongbong Marcos sa kampanya laban sa droga.

Subalit kung sa panahon ni Tatay Digong naging tanyag ang tinatawag na extra-judicial killings (EJKs), sa BIDA ang main focus ay ang demand reduction at rehabilitation ng mga drug users. Di ba hinahabol ng International Criminal Court (ICC) si Tatay Digong at iba pa bunga ng kontrobersiyal na EJK dahil libong mahihirap na Pinoy ang nalagas dahil sa pagkasangkot sa droga? “Hindi pa rin titigil ang mga raid sa drug dens at sa pagtugis ng pulisya at iba pang awtoridad sa mga drug lords, financiers at sa mga naglalako ng droga. Tuluy-tuloy pa rin yan,” ani Abalos. Dipugaaaaa! Hak hak hak!

Kung sa panahon ni Tatay Digong hindi nahinto ang pagbebenta ng droga kahit may EJK, dito kaya sa BIDA magiging matagumpay kahit walang patayan? Hehehe! Para-paraan lang ‘yan!

Umaabot sa 25,000 katao, galing sa iba’t ibang bahagi ng Pinas, ang nagtipon sa Quezon City Memorial Circle upang ipakita ang wagas nilang suporta sa BIDA sa grand launching nito noong Sabado. Siyempre, kasama sa mga VIPs ay si Lt. Gen. Rhodel Sermonia, ang OIC ng Philippine National Police at iba pang opisyales ng gobyerno. May mga local officials din tulad nina Malabon Mayor Jennie Sandoval, Navotas Mayor John Rey Tiangco, Quezon City Vice Mayor Gian Carlo Sotto, Marikina Vice Mayor Marion Andres, Pasig City Administrator Atty. Jeron Manzanero, QC 4th District Councilor Nanette Daza at QC 5th District Councilor Mutya Castelo.

Nag-launching din ang naturang programa sa PRO6 ni Brig. Gen. Leo “Paco” Francisco, sa Cebu CIty, Cagayan de Oro CIty at sa Davao City. Kung sabagay, hindi magiging matagumpay itong BIDA kung walang suporta ng iba’t ibang sector ng lipunan, di ba mga kosa? “Hindi lang dapat ang pulisya ang kumilos. Katuwang natin ang mga mamamayan sa kampanya laban sa droga. Lahat tayo ay dapat kumikilos at maging BIDA advocates,” ang dagdag pa ni Abalos. Dipugaaaaa. Kasama rin sa BIDA, ani Abalos, ang pagbibigay ng pokus at pag-alalay sa mga nalulong sa bawal na gamot para tuluyan silang magbagong buhay. Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan? Mismooooo!

Ibinida rin ni Abalos na mula Hulyo 1 hanggang November 24 nitong administrasyon ni BBM, umaabot na sa 24,159 drug personalities ang nadakip ng pulisya. May kabuuang P9.9 bilyong halaga ng droga ang nasamsam, kasama na dito ang 990 kilos na nakuha sa Tondo, Manila; P408 milyon halaga ng shabu sa Pampanga at P173 milyon sa Quezon City.

Ang mga accomplishments na ito ay indikasyon lamang na pursigido talaga ang gobyerno ni BBM na puksain ang droga sa Pinas subalit sa ibang pamamaraan. Kaya’t mga kosa, suportahan natin itong programa ni Abalos vs droga para tayo maging bida. Abangan!

BENHUR ABALOS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with