^

Punto Mo

Amoy korapsyon ang simoy ng Pasko

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

MABUBUNDAT na naman ang mga opisyales ng mga tanggapan ng gobyerno dahil sa dadagsang regalo ng suppliers at kakutsaba sa malalaking transaksyon sa kanilang bakuran ­ngayong Kapaskuhan. Hindi pa kasali ang kanilang milyones na year end bonuses diyan. Kilabutan naman sana ang mga damuho!

Naging mainit na usapin noon ang mga milyones na suweldo at Christmas bonuses ng executives ng SSS, GSIS at PhilHealth na ang obligasyon ay pangalagaan ang kontribusyon ng mga manggagawa. Kabuktutan ang naghahari sa mga nasabing tanggapan dahil ang mga naitatalagang mamuno ay kulang ang kaalaman sa tunay na layunin nito. Mga political appointees na ang intensyon ay magkamal ng pera sa anumang paraan.

Isa ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na kung magbigay ng suweldo at bonuses sa mana­gers ay milyones. Kaya naman isa ito sa gustong puwestuhan ng political appointees na gustong magkamal ng yaman. Baka malunod kayo sa pera, ingat din, he-he-he!

Bukod sa Bureau of Customs na nag-aaruga ng smugglers, ang BIR naman ay kakutsaba ng tax evaders. Ang nakapagtataka, bakit walang nakukulong? Ha-ha-ha, alam na ‘dis!

Isa rin diumano ang Land Registration Commission na minsan nang naimbestigahan dahil sa mga usapin ng mga lumalabas na fake land titles at land ownership certificates. Ilan kayang mga kaso ng land grabbing ang kinasangkutan ng mga tauhan ng LRC? Aba’y Land Registration for Commission nga, ha-ha-ha!

CHRISTMAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with