^

Punto Mo

Lansangan ginagawang parkingan!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

RAMDAM na ramdam sa kasalukuyan ang matinding trapik sa mga lansangan, hindi lamang sa mga pangunahing lansangin maging sa mga secondary road sa mga barangay.

Sa ilang kalye, hindi naman talaga dapat magkaroon nang pagsisikip ng trapik at nangyayari lang ang ganito dahil lang sa mga pasaway na walang pakundangang ginagamit ang kalye na kanilang parkingan.

Abusado na talaga ang marami, kahit pa nga sabihin na ito ay Mabuhay lane na ginagamit na alternatibong daan at dapat na laging walang sagabal, marami pa rin ang matitigas ang ulo at mga abusado na hindi nakakasunod dito.

Kaya nga mas gusto ng marami, lalo na yung mga naapektuhan sa gawa ng pasaway na sana nga raw ay tuluyan nang maisabatas ang ‘No Parking, No Car law’.

Ito yung,  bago ka makabili ng bagong sasakyan, kailangan munang mapatunayan mo na meron kang parking.

Sa ilalim nito, makikipagkoordinasyon ang   Land Transportation Office (LTO) sa mga Local Government Units (LGUs) para ma-check ang  required parking bago sila magbigay ng  “green light”  sa buyer ng bagong sasakyan.

May karampatang parusa sa mga vehicle owners na mapapatunayang lumabag sa itinakdang kautusan, kabilang ang tatlong taong suspensyon sa may-ari ng bagong sasakyan bukod pa sa multang P50,000.

Hindi naman kasi maitatanggi na maraming mga lansangan ngayon ang talagang nagiging parking.

Madalas pa nga na double-double parking na kaya ang mga motorista pa ang siyang ­naghahanap na lang ng kanilang ruta para maiwasan lamang ang masikip na kalsada.

May talagang makapal pa ang mukha na nilalagyan pa ng reserve parking ang tapat ng kanyang bahay.

Nakakapagtaka nga lang kung bakit ito pinapayagan sa maraming barangay sa Metro Manila.

Ang isang street ginagawang ‘one way’,  hindi para maiayos ang daan kundi para mapagbigyan na ang isang side na maging paradahan.

Sana ito ang masilip ng mga kinauukulan, sana sa panukalang batas, wag lang puntiryahin ang mga bagong bibili ng sasakyan, kundi maging ang mga dati nang nakabili na pati ang tapat  niyang kalye ay tila nabili na rin.

May iba pa na naglalagay ng harang sa tapat ng bahay,  buti sana kung hindi sa daanan ilalagay na nagsisilbi ring sagabal.

Panahon na marahil para maging mahigpit din sa mga obstruction  maging ang mga secondary road, sana malinis din sa mga sagabal.

Hindi nakakaaksyon ang maraming barangay officials, dahil takot sila sa mga constituents na baka hindi sila iboto sakaling muli silang tumakbo.

Kaya nga sila rin ang nagkukunsinti sa marami nilang nasasakupan para gawing parkingan ang lansangan.

Dapat siguro may ilaan ding parusa sa mga barangay officials na hindi kumikilos para mapaluwag sa mga sagabal ang mga kalye na kanilang nasasakupan.

Lalu na ang mga nagtutulog sa mga ‘pansitan’ na mga opisyal na walang pakiaalam.

 

PARKING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with