^

Punto Mo

May tamang komputasyon ba para sa 14th month pay?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Bukod po sa 13th month pay ay may 14th month pay rin po na ibibigay ngayong taon ang aming kompanya. Paano po ba kino-compute ang 14th month pay para masiguradong tama ang matatanggap ko? —Fred

Dear Fred,

Bagama’t may mga nagsusulong na magkaroon ng batas para sa pagbibigay ng 14th month pay sa mga empleyado, sa kasalukuyan ay hanggang 13th month pay lang ang ipinag-uutos ng batas. Kaya ang anumang higit pa na matatanggap ng empleyado ay maaring base lamang sa company policy, collective bargaining agreement (CBA), o sa mismong kontrata ng ­empleyado. Kung hindi man base sa mga nabanggit ay matatawag na “bonus” ang anumang matatanggap ng empleyado na higit sa 13th month pay na nire-require ng batas.

Kaya ang company policy ninyo, o ang CBA sa pagitan ng kompanya at ng mga empleyado, o ang employment contract mo ang iyong dapat pagbasehan upang malaman mo kung tama ba ang halaga ng 14th month pay na iyong matatanggap.

Kung hindi naman nakabase sa mga nabanggit ang pagbibigay ng 14th month pay ay ipagpasalamat mo na lamang kung anumang halaga ang iyong matatanggap. Masasabi kasing ang 14th month pay ninyo ay isang “bonus” na ­ibinigay sa inyo dahil lamang sa kabutihang loob ng inyong employer. Bilang isang bonus, hindi ito isang ­demandable na obligasyon mula sa employer kaya hindi maaring magreklamo ang em­pleyado kung kulang ito at kahit kung ito pa ay hindi maibigay.

BONUS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with