^

Punto Mo

Wheelchair (29)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

HINDI pumasok si Bart sa kanilang klase ng araw na iyon. Nagtataka si Jong sapagkat ngayon lang niya natandaan na nag-absent ito.

Napansin din pala ni Pam na wala si Bart. Ibinulong niya kay Jong ang napansin.

“Wala si Bart. Bakit kaya?’’

“Nagtataka rin ako, Pam.’’

“Yung paalala ko, huwag mong kalimutan. Maraming barkada yan baka pinag-iisipan ka nang masama.’’

“Oo Pam. Mag-iingat ako.’’

“Sa pag-uwi mo mamaya, alerto lang.’’

Tumango si Jong.

Nang umuwi si Jong pagkatapos ng klase, wala namang nangyaring masama. Wala siyang napansing kakaiba na baka haharangin siya ni Bart at mga barkada.

KINABUKASAN ng hapon, nakahanda na sila ni Tito Mon sa pagpapalimos. Pero nang aalis na sila, sinabi ni Tito Mon kay Jong na huwag na itong sumama.

“Ako na lang ang magpapalimos diyan sa España. Huwag ka nang sumama. Masama ang kutob ko.’’

Gulat si Jong.

(Itutuloy)

WHEELCHAIR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with