^

Punto Mo

EDITORYAL - Itigil, operasyon ng POGOs

Pang-masa
EDITORYAL - Itigil, operasyon ng POGOs

MARAMI na ang iritado sa mga kontrobersiya at kahihiyang dulot ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa bansa. Maski ang mga senador, punumpuno na at majority sa kanila, gusto nang i-ban nang tuluyan ang POGOs. Katunayan, irerekomenda na umano ng senado na ihinto nang tuluyan ang ope­rasyon ng POGOs. Hindi na raw dapat magpatuloy pa ang POGOs sa bansa.

Tama ang hakbang ng mga senador. Hindi na nga dapat pang pahintulutan na makapagpatuloy ng ope­rasyon. Kung sa China nga hindi pinapayagan ang anumang uri ng sugal, dito pa kaya sa Pilipinas.

Walang katapusan ang kontrobersiya at mga problema. Dadagdag sa suliranin ng Pilpinas ang POGOs at baka lalong maging kahiya-hiya ang Pilipinas dahil sa ginagawa ng mga Chinese na empleyado ng POGOs. Dapat matigil na ang mga ginagawa ng mga Chinese na ito.

Nagsimula ang operasyon ng POGO sa bansa noong 2017 makaraang bigyan ng permiso ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR­). Malaki raw ang kikitain dito. Totoo namang malaki­ ang isinampang pera ng POGOs sa kaban ng bansa. Noong 2018 hanggang 2019, tumabo ng bilyong piso ang revenue collection. Pero noong 2021 hanggang sa kasalukuyan, katiting na ang nakolekta—P3 bilyon na lang.

Gayung kakaunti ang kinikita, dumagsa naman­ ang mga Chinese na nagtungo sa bansa para maempleo sa POGOs. Sa kasalukuyan, hindi makumpirma kung ilan ang kabuuang bilang ng mga Chinese na nasa bansa. Ang masama, marami sa mga nag ooperate na POGOs ay ilegal kaya lalo nang walang napakinabang ang pamahalaan.

Ang pagbagsak ng koleksiyon sa POGOs ay sina­bayan nang maraming krimen sangkot ang mga Chinese. Umarangkada ang kaliwa’t kanang pangingidnap. Pawang mga Chinese ang kinikidnap at ang utak ay kapwa Chinese na pinatutubos nang malaking halaga ang biktima. Karamihan umano sa kinikidnap ay mga natatalo sa sugal at hindi nakakabayad. Bukod sa pangingidnap, marami ring Chinese POGO workers­ ang kinukulong at pinahihirapan ng sindikato. Karamihan sa na-rescue ng DILG ay mga Chinese na walang passport, o anumang papeles. Noong Setyembre, 40 Chinese ang na-rescue sa Pampanga at lahat ay walang papeles. Paano nakalusot ang mga ito sa Bureau of Immigration (BI)? Pinagkaperahan ng mga korap sa BI?

I-total ban na ang POGOs. Hihintayin pa bang lumala­ ang krimen sa bansa bago itigil ang operasyon ng mga ito? Huwag maging gahaman sa kaunting kiki­tain sapagkat hindi makatutulong sa pag-unlad ng bansa.

 

vuukle comment

POGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with