^

Punto Mo

Ingat sa mga modus, ngayong holiday seasons

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Ayan ha, may babala uli ang Philippine National Police (PNP) sa paglaganap ng iba’t ibang modus lalo ngayong holiday seasons.

Alam kasi ng mga kawatan na nakakaisip ng iba’t ibang estilo­ ng panloloko na sa ganitong panahon, kahit papaano eh masa­sabing nakakakuha ng kanilang bonus ang mga maraming mang­gagawa. Sa madaling salita may pera sa bulsa ang marami na pwede nilang makulimbat.

Dapat na mag-ingat sa mga ito, lalo na ang mga alok sa online ng malaking kita at benepisyo na hindi naman totoo.

Isa sa ibinabala ng PNP-Anti Cybercrime Group ang paglaganap ng pekeng crypto investments.

Sobrang laganap umano ang modus na ito, puspusan ang panghihikayat ng mga online scammers na ito.

Para hindi mabiktima at mapagsamantalahan, ganito ang modus ng mga kolokoy na ito.

Nanghihikayat ang mga ito ng mga investors para sa fake crypto investments.

Ang mga potential investors ay kailangan na magdownload ng kanilang apps kung saan dahil sa magandang alok at pangako marami ang nahihikayat kaya agad-agad na nagbibigay ng kanilang investments.

Bibigyan sila ng  dashboard na dito namomonitor nila ang kanilang  investment at interest.Parang totoo ano?

Ang namomonitor nila eh malaki ang kanilang kinita, kaya sige ang dagdag sa investments.

Kapag kukubrahin na ang kita , dyan na nagkaloko-loko na.

Kasi nga kapag iwi-withdraw na ng investors ang kanilang pera hindi na ito papayagan  ng apps.

Ang akala mo eh grasya na, disgrasya pala.

Eto matindi, aakalain mo talaga na tunay ang alok dahil  gumagamit pa nga ng  permits mula sa  Department of Trade and  Investments at SEC ang mga scammers na yun pala eh peke.

Kaya dapat talaga ‘wag agad ipagsapalaran ang kita o ipong salapi, kailangan lahat ng anggulo alaming mabuti kung totoo.I-verify munang mabuti bago magsasali.

Habang nalalapit ang holiday seasons, lalu pang dadami ang mga kahalintulad na modus.

Maraming mag-aalok ng investments o pagkakakitaan ng biglaan.

Kaya dapat na mag-ingat.

Marami kasi, nasisilaw agad sa  pangakong biglaang malaking kita, kaya nga imbes na lumago ang pera, nakawala pa.

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with