^

Punto Mo

‘Nice’ or ‘kind’?

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

MAGKAIBA ang “Being nice kaysa being kind”.

Being nice: Pinagbigyan mo ang imbitasyon ng isang kaibigan na sumama ka sa Boracay sa kabila ng mga sumusunod: 1) magagastusan ka ng malaki na makakaapekto sa budget mo 2) hindi ka marunong lumangoy dahil hindi paliligo sa dagat ang nakapagpapaligaya sa iyo. Pasyal sa mall ang gusto mong libangan 3) ang ibang friends niya na makakasama mo ay mga taong hindi mo gusto ang ugali. Pero ang lahat ng ‘yun ay titiisin mo dahil gusto mong ipakita na may pakisama ka.

Being kind: Ang ibig sabihin ng being kind ay marunong kang magtakda ng boundaries sa iyong sarili at inirerespeto mo ang iyong feelings. Halimbawa, alam mong ang kabarkada ng iyong kaibigan na hindi mo kasundo  ay kasama sa Boracay, irespeto mo ang iyong sarili sa pamamagitan nang hindi pagsama. Gagastos ka ng malaki para lamang maging uncomfortable sa company ng taong nagbibigay sa iyo ng hindi magandang pakiramdam. Ipaliwanag mo ito sa nag-imbita sa iyo.

Ang pagiging mabait ay hindi lang pagiging mabait sa sarili kundi pagbibigay ng tulong nang hindi naghihintay ng kabayaran. May kamag-anak kang maysakit at kulang ang perang ipagpapaopera. Lumapit sa iyo ang kamag-anak na ito. Mga 10 percent lang ng halagang kailangan niya ang kaya mong itulong sa kanya dahil magbabayad ka pa ng tuition ng iyong anak. Ang ginawa mo ay tinulungan mo siyang lumapit at maki­usap sa mayayaman ninyong kamag-anak kaya nabuo ang halagang kailangan niya.

‘Yun ang pagiging totoong mabait. Hindi mo ikinompormiso ang pambayad ng tuition ng iyong anak pero natulungan mo ang iyong kamag-anak na makumpleto ang halagang gagastusin niya sa pagpapagamot.

BORACAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with