^

Punto Mo

Sumpa (Last part)

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

Minsan, kailangang maglayag muli ni Captain Mallard sakay ng Moonrise ship dahil may kukuhanin siyang karne ng tupa at wool sa New Zealand. Sa buong pagtataka ni Mrs. Mallard, hindi na kailanman nagbalik sa Liverpool  ang barko kasama ang asawa at mga tripulante nito.

Lumipas ang 26 taon, natagpuan ang barko ni Mallard na lulutang-lutang sa dagat malapit sa Chile. Natagpuan din ang mga kalansay sa loob ng barko. Nasigurado nilang ang isa sa mga kalansay ay si Captain Mallard dahil hindi nasira ang suot nitong uniporme.

Nalaman ni Mrs. Mallard ang nangyari sa asawa. Sa sama ng loob ay nahimatay siya. Nang matauhan ay naikuwento niya sa doktor na gumagamot ang nangyari sa kanyang pamilya:

“Ang naging ugat ng kamalasang nangyari sa amin ay ang pagpatay ng aking asawa sa batang Nigerian na kinidnap nila para ibentang alipin. Pero nang malamang may epilepsy ay itinapon na ito sa dagat hanggang sa kainin ito ng pating. Isinumpa kami ng tiyuhin ng bata. Naging mabilis ang epekto ng sumpa dahil ang ama pala ng bata ay isang witch doctor.”

Ayon sa doktor, pagkatapos magkuwento ni Mrs. Mallard, ang mata nito ay tumirik at bigla na lang namatay.

Naubos ang buong angkan ng Mallard kagaya ng sumpa ni Uncle Obah na noon ay sampung taon nang namamatay. Nang mabalitaan ito ng mag-asawang nag-ampon kay Obah, ang nasabi na lang ng mga ito ay natanggap na ng magtiyong Obah at Abu ang hustisya.

vuukle comment

NEW ZEALAND

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with