^

Punto Mo

Lalaki sa Canada, gumamit ng impostor para mapawalang-bisa ang kasal!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

Isang judge sa Canada ang kinansela ang hi­nawakang marriage annulment case nang matuklasan niya na ang diumano’y “misis” na sumailalim sa court proceedings ay isa palang impostor!

Nagpakasal sina Warren at Gina Zant sa Cook Islands noong Nob. 27, 1999. Matapos ang dalawang dekada ng pagsasama, nagdesisyon sila na maghiwalay. Nag-file ang dalawa ng separation agreement na nagsasabi na makakatanggap ang misis ng survivor benefits mula sa Operating Engineers’ Pension Plan ng mister.

Pagsapit ng 2021, nag-file si Warren Zant ng annulment sa British Columbia Supreme Court. Inaprubahan ni Justice Dennis Hori ang annulment matapos marinig ang testimonya ng mga nagpakilalang Warren at Gina Zant. Ang mga pangyayaring ito ay naganap noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic kaya hindi face to face at sa pamamagitan lamang ng remote audio connection ang court proceeding.

Agad ipinadala ang kopya ng annulment order sa Opera­ting Engineers’ Pension Plan para ipaalam na tinatapos na ang karapatan ni Gina Zant sa pagi­ging beneficiary ng pension.

Nang mabalitaan ng totoong Gina Zant ang tungkol sa marriage annulment at pagtigil ng tinatanggap niyang pensiyon, kinausap niya si Justice Hori at doon nagsimulang mag-imbestiga ang judge.

Sa kanyang pag-iimbestiga, natuklasan niya na maraming pekeng dokumento na ginamit si Warren Zant at sinamantala niya ang COVID-19 pandemic upang manloko at umupa ng impostor na magpapanggap bilang si Gina Zant.

Sa loob ng isang taong imbestigasyon, napatunayan na gumamit ng impostor si Warren Zant kaya kinansela ni Justice Hori ang marriage annulment. Ibinalik na rin ang pension na natatanggap ni Gina Zant.

Sa kasalukuyan, nagsampa na ng kaso si Gina Zant laban kay Warren Zant at inaabangan kung ano ang magiging kaparusahan sa pamemeke niya ng dokumento at paggamit ng impostor.

vuukle comment

CANADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with