^

Punto Mo

Sumpa (Part 2)  

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

NAKASAMA ang magtiyuhing Obah at binatilyong si Abu sa mga nakidnap ng grupo ni Captain Mallard mula sa Nigeria. Nakatakda silang dalhin sa Amerika para ibenta bilang alipin. Iyon ang malakas na negosyo ng mga taga-Liverpool England kaya umunlad ang kabuhayan ng karamihan.

Sinumpong ng epilepsy si Abu kaya nagpasya si Mallard na itapon na lang ito sa dagat. Ang mga may sakit na alipin ay hindi nabebenta sa merkado kaya wala nang dahilan para pa ito buhayin. Sa galit ni Uncle Obah sa makahayop na pagpatay sa pamangkin, umusal siya ng sumpa sa harapan ni Captain Mallard: Walang hanggang kamalasan ang mararanasan mo, kasama ang iyong pamilya! Hindi titigil ang kamalasan hangga’t hindi nauubos ang iyong angkan!

Pagkaraan ng 10 buwan naibenta na sa Amerika ang lahat nang kinidnap na mga Nigerian. Ngunit si Uncle Obah ay hindi. Matanda na kasi ito at bulag pa ang isang mata. Kaya pagbalik sa Liverpool ay kasama pa rin siya ng grupo ni Mallard.

Idinispley siya sa plaza ng ilang araw, sa pagbabasakaling may bumili. Nang walang bumili, inialok na lang nang libre ang matandang bulag. May mag-asawang naawa kay Obah at inampon siya. Naging mabuti ang pakikitungo ng mag-asawa kay Obah.

Samantala isa-isa nang inaani ni Mallard ang epekto ng sumpa ni Obah sa kanya. Noon ay “retired”na siya sa pangingidnap ng mga tao para ibentang alipin. Marami na kasi siyang kinita sa ilegal na negosyo.

Ang anak nitong si Matthew ay nabaliw matapos makakita ng asong itim na may mapupulang mata. Diumano ang aso ay sunod nang sunod sa kanya na naging dahilan ng pagiging nerbiyoso nito. Pero nagtataka ang misis ni Matthew dahil wala siyang nakikitang aso. Pagkaraan ng ilang buwan, nagsisisigaw na ito sa nerbiyos kaya’t  dinala na ito sa mental asylum.

Isang gabi, ginising si Capt. Mallard ng tunog ng mga tambol. Habang tumatagal, palakas ito nang palakas. Sa katunayan, narinig din ito ng mga kapitbahay ngunit wala naman silang nakikitang nagtatambol. Walang tao sa kalsada. Nawala ang tunog ng mga tambol. Ilang saglit lang, nalaman nilang ang matandang ina ni Mallard ay wala nang buhay sa kanyang kuwarto. Hindi malaman kung ano ang ikinamatay nito.

(Itutuloy)

vuukle comment

FOOTBALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with