^

Punto Mo

Wheelchair (26)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

KAILANGANG iwasan niya ang kaklaseng si Bart na sa pakiramdam niya ay malaki ang pagkainggit sa kanya kaya gusto siyang “gibain”. At ngayon ngang nakakita ng butas sa kanya ay gustong palakihin. Kutob niya, lihim na nag-iimbestiga si Bart ukol sa kanya. Kaya nararapat niyang iwasan ang taong ito para walang gulo. Ganundin ang payo sa kanya ni Tito Mon. Huwag daw pansinin ang ginagawa ng kaklase niya dahil baka kung saan mapunta.

Sa halip na pumasok sa gate si Jong ay kumaliwa siya para kunwaring pupunta sa tindahan ng mga school supplies. Iyon ang pinakamadaling paraan para makaiwas kay Bart. Kunwari rin ay hindi niya nakikita si Bart.

Pero nang humakbang na siya patungo sa tindahan ng school supplies ay narinig niya ang tawag ni Bart.

“Jong!’’

Lumingon siya.

“Bakit?’

“Saan ka pupunta?’’

“Sa tindahan—bibili ng ballpen.’’

“Owwwsss! Gusto mo lang akong iwasan.’’

Hindi sumagot si Jong at akmang magtutungo na sa store pero nagsalita uli si Bart.

“Wala na sa España yung kamukha mong nagtutulak sa wheelchair. Palagay ko tama ang hula ko na ikaw yun, he-he-he. Pero madali lang namang hanapin kung saan lumipat. Palagay ko nasa tabi-tabi lang dito. Kapag nakita ko uli, lalapitan ko na para magkaalaman. Talagang ­malakas ang kutob ko na kakambal mo yun. O baka ikaw nga yun, he-he-he!’’

Hindi sumagot si Jong. Nagpipigil siya. Hindi niya papatulan si Bart. Pero sa totoo lang gusto na niyang sugurin at upakan ng suntok sa mukha. Nag-iinit na ang puno ng kanyang taynga.

Hanggang may marinig siya na tumawag sa kanya.

“Jong! Jong!’’

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with