^

Punto Mo

Malaking teddy bear para sa mga walang jowa, mabenta sa Bulgaria!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

MABENTA ngayong Christmas season sa Bulgaria ang life sized teddy bear na ginawa para sa mga single at walang kayakap sa pagtulog!

Ang “Loving Bear Puffy” ay may tangkad na 5 feet 7 inches at may bigat na  3.2 kilograms. Ang hugis at size ng katawan nito ay maiha­hambing sa male human body pero ang ulo nito ay may maamo at inaantok na mukha ng isang teddy bear.

Ayon sa manufacturer’s website ng Loving Bear Puffy, ginawa ito bilang emotional support para sa mga walang katabi sa pagtulog. Bukod dito, meron din itong back, neck at knees support.

Ang Loving Bear Puffy ay ginawa ng mag-inang businesswomen na sina Tonia Bedankova at Ina Marholeva. Naisip nila itong gawin noong 2021 habang nasa long distance relationship si Ina dahil nagtrabaho sa ibang bansa ang kanyang asawa.

Sinimulang ibenta ito sa Bulgaria noong nakaraang buwan at maraming single na mga kababaihan ang bumili nito.

Ang buong akala ng mag-ina ay hanggang sa kanila lang sa Bulgaria ang mapagbebentahan nila ng kanilang teddy bear pero matapos itong ma-feature sa isang news program sa United Kingdom, dumagsa na ang order sa kanila mula sa iba’t ibang bansa.

Nagkakahalaga ng 150 Euros ang isang teddy bear ngunit hanggang sa mga European countries pa lamang ang maaaring mapagbentahan nito.

vuukle comment

CHRISTMAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with