^

Punto Mo

Cryogenic: Patay bubuhayin?  

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

ITINUTURING pa rin hanggang sa kasalukuyan na science fiction ang tinatawag na cryogenic na isang agham sa pagpreserba sa katawan ng isang patay na tao sa pamamagitan ng ‘’freezing’ at inaasahang magagawang mabuhay siyang muli sa hinaharap sa sandaling makatuklas ng lunas sa kanilang malubhang karamdaman.

Sa totoong buhay, ilan nang cryogenic institute sa ilang bahagi ng mundo ang  sumubok at nag-aalok ng pag-‘freeze’ sa katawan ng tao pero wala pang nagpapakita ng abilidad na meron na silang nabuhay na patay. Marami ring mga medical professional at scientist ang duda o tutol sa ganitong teknolohiya. Kalimitang ang mga tao na sumasailalim ng cryogenic ay iyong mga merong kanser at ibang sakit na wala pang lunas sa kasalukuyang panahon. Kailangang legally at clinically dead ang tao bago ipreserba ang kanyang katawan sa tulong ng cryogenic.

Tila nga kathang-isip pa lang itong cryogenic o cryonic na naghahangad na buhayin ang isang patay. Tulad sa mga sci fi na pelikula o TV shows na nagpapakita sa paggamit ng cryogenics tulad sa Alien (1979), Demolition Man (1993), Sleeper (1973) Planet of the Apes (1968), Passengers (2016) at The 100. Kalimitan sa mga karakter sa pelikula ay mga astronaut, scientist at sibilyang tao na bumibiyahe nang “tulog” sa kalawakan na inaabot ng 100 taon o mahigit pa.

Sa Scottsdale, Arizona, United States, meron ditong isang cryogenic institute na kilala bilang Alcor Life Extension Foundation. Sa establismentong ito, merong mga tanke na puno ng liquid nitrogen at kinalalagyan ng mga bangkay at ulo ng 199 patay na tao na may mga sakit na wala pang natutuklasang gamot noong nabubuhay pa.

Ayon sa isang ulat ng The Reuters na dinampot ng The Japan News, isang bata mula sa Thailand na si Matheryn Naovaratpong na merong brain cancer ang pinakabatang napreserba ang bangkay sa pamamagitan ng cryogenic sa edad na dalawang taong gulang noong 2015.

Hanggang noong Abril 3, 2021, ang Alcor ay merong 1,832 miyembro kabilang ang 182 na namatay at ang mga bangkay ay isinailalim sa cryonic process. Merong 116 bangkay na ang ipriniserba lang ay ang kanilang mga ulo. Umaabot sa $200,000 ang minimum na gastos  para sa katawan at $80,000 sa utak pa lamang. Karamihan ng mga nabubuhay na “miyembro” ay nagbabayad sa pamamagitan ng paraang ginagawang benepisyaryo ang kompanya sa life insurance policies katumbas ng gastos sa cryopreservation.

Magkakaiba ang pananaw ng iba’t ibang bansa sa cryogenics sa tao. Merong nagpapahintulot at merong nagbabawal dito. Ilan sa mga sumusubok sa ganitong proseso ay nadedemanda o nahaharap sa mga kontrobersiya o kumplikasyon. Hindi naman katakataka ang mga argumento o debate sa ganitong cryogenics na naghahangad na  maibalik pa ang buhay ng mga namatay na tao.

Nagsimula pa noong 1960s ang konsepto at pagpapraktis o pag-eeksperimento sa cryogenics pero, hanggang sa kasalukuyan, wala pang nakakagawang maibalik ang buhay ng isang patay. Pero ano nga ba ang mangyayari kung sa hinaharap ay meron nang makagawa ng paraan na maibalik ang buhay ng patay na ang bangkay ay ipriniserba sa proseso ng cryogenics?

Maluwag na kaya itong matatanggap at kakagatin ng ating lipunan o ng buong mundo? Kung sakaling mabuhay ang isang patay pagkatapos niyang sumailalim sa cryopreservation, ano ang magiging buhay niya sa kakaharapin niyang hinaharap na panahon na hindi siyang kinalakihan at kinagisnan niya noong una pa siyang nabubuhay sa lupa?

• • • • • •

Email: [email protected]

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with