^

Punto Mo

Ibubunga ng batas sa SIM registration, aabangan

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

KASALUKUYAN pa lamang binabalangkas ang mga patakaran sa napagtibay na bagong  batas na nag-oobliga sa mga gumagamit ng cell phone na iparehistro ang kanilang mga Subscriber Identity Module (SIM) Card. Siguro, malilinawan ang maraming katanungan kapag nailatag na ang naturang mga panuntunan.

Inaasahang mababawasan kundi man ganap na masasawata ang mga scam at spam texts at ibang mga krimen at terorismo na gumagamit ng mga prepaid na SIM card sa pagsasagawa ng mga masasama at bawal na aktibidad. Walang gaanong problema sa mga postspaid na SIM card dahil karaniwang nakarehistro ang pangalan ng mga gumagamit nito na hindi tulad sa prepaid SIM card na maaaring palitan kahit anong oras na sinasamantala ng mga kriminal para hindi sila mahuli.

Dahil bago ang naturang batas, mayroon ding mga agam-agam at pagkabahala rito. Isang isyu ang sinasabing privacy pero tila sinasagot na ito sa ilang probisyon ng batas dahil may kaukulang parusa sa mga magliligwak sa pagkatao ng may-ari ng isang SIM card nang wala nitong pahintulot o permiso mula sa korte.

Maaaring kuwestyon din kung gaano kabilis ang magiging pagreresponde ng mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan o korte o pulisya sa pagtunton at pagdakip sa mga kriminal na gumagamit ng cell phone sa kanilang ilegal na aktibidad. Isipin pa ngang isa nang matagal na rekord ng mga korte ang kabagalan nito sa paghawak ng mga kaso.  Paano kung ang cellphone na ginamit sa krimen ay nakaw? Sasabit sa kaso ang orihinal na may-ari ng cellphone kahit wala siyang kinalaman sa krimen. Maaaring nakapagtago na sa ibang bansa ang kriminal bago pa siya matunton.

Hindi kaya malayo ang posibilidad na dumami ang mga kaso ng mga pagnanakaw ng mga smartphone na maaaring gawin ng mga kriminal para malusutan ang naturang batas? Puwede rin namang payuhan ang mga nananakawan ng cellphone na magreport agad sa pulisya para hindi sila madawit kung sakaling may gumamit ng kanilang nawalang gadget sa kriminal na aktibidad.

Kung rehistrado na ang isang SIM card ng gumagamit nito, mangangahulugan ba ito na magiging permanente na ang kanyang phone number na, kahit mawala ang kanyang cellphone, maaari pa niyang maangkin at patuloy na magamit ang numero ng nawala niyang prepaid na SIM card?

Batid natin na, kapag nawala ang isang smartphone, kasama na ring nawala ang kasama nitong SIM card na kinalalagyan ng mga numero ng mga kakilala, kaibigan, kaeskuwela, kaibigan, kamag-anak, kasama sa trabaho o negosyo ng gumagamit nito. Kasama rin sa nawawala ang mga text message na maaaaring ipinipreserba ng may-ari ng cellphone. Sana nga ganito ang sitwasyon na maaari pa ring magamit at maangkin ang numero ng isang cellphone na nawala o nanakaw kahit prepaid ang SIM card nito.

Hindi rin magiging madaling malaman ang pangalan o may-ari ng mobile number na ginamit sa krimen. Dadaan muna ang sino man sa pulisya, National Telecommunication Commission, sa korte at ibang kinauukulan bago makuha ang kailangang impormasyon. Sa ganitong senaryo, baka mawalan na ng ganang maghabol ang isang biktima ng krimen o panloloko lalo na kung sa palagay niya ay maliit lang ang pinsalang nagawa nito sa kanya o magiging malaking abala sa kanya.

Gayunman, bagumbago pa naman ang batas na SIM Registration Act. Ilang linggo o buwan na lang ang bibilangin bago ito ganap na maipatupad kasama ng mga kaukulan nitong mga patakaran at panuntunan. Aabangan ng mga tao ang magiging epekto nito sa buhay ng mamamayang Pilipino.

••••••

Email: [email protected]

vuukle comment

SIM CARD BILL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with