^

Punto Mo

EDITORYAL - Paigtingin, pagbabakuna’t pagbibigay ng booster shots

Pang-masa
EDITORYAL - Paigtingin, pagbabakunaât pagbibigay ng booster shots

NGAYON ang ika-100 araw ng Marcos administration. May mga pinangako na mangyayari sa pagsapit ng araw na ito. Isa na ang ipinangako ng Department of Health (DOH) na aabutin daw ang target na 50 percent ng populasyon ang mababakunahan at mabibigyan ng booster shots sa pagsapit ng ika-100 araw. Pero hindi nagkatotoo sapagkat nasa 73 milyon pa lamang ang nababakunahan at 19 milyon lang ang nabibigyan ng booster shots.

Sa ganyang bilang, nakababahala na tumaas pa ang bilang ng COVID cases. Naitala ang mahigit na 16,000 kaso ng COVID sa nakaraang mga linggo. Mula ­Setyembre 26 hanggang Oktubre 2, nakapagtala ang DOH ng arawang kaso na 2,288 o kabuuang 16,017 kaso sa buong bansa. Sa nasabing bilang, 753 ang severe at critical na na-admit sa ospital. Ayon pa sa DOH, 228 ng mga bagong kaso ng COVID ay naging malubha at 35 sa mga kasong ito ay nangyari noong nakaraang buwan.

Isa sa pinaniniwalaang dahilan sa pagtaas ng kaso ng COVID ay ang hindi pagpapabakuna o kung nabakunahan man ay hindi natatapos. Hindi na sila bumabalik sa vaccination center sapagkat inakalang wala na ang COVID. Marami rin ang hindi pa nakatatanggap ng booster shots. Mayroong nakatanggap ng unang booster subalit hindi na nag-aksaya ng panahon na kumpletuhin ang ikalawang booster. Inaakala rin na tapos na o ­naglaho na ang COVID.

Isa sa mga nababahala sa pagdami ng kaso ng COVID ay ang Philippine Red Cross (PRC) na humihiling sa pamahalaan na paigtingin ang pagbabakuna at pagbibigay ng booster shots. Nanawagan din ang PRC sa publiko na huwag maging kampante at pairalin sa tuwina ang health protocols.

Nag-isyu naman ng memorandum sa lahat ng LGUs ang Deparment of Interior and Local Government (DILG) na bilisan ang pagbabakuna at pagbibigay ng booster shots. Unahin daw ang senior citizens at mga indigenous peoples.

Marami pang walang bakuna at booster shots at ito ang dahilan kaya tumataas ang bilang ng kaso. Pagsikapan pa ng DOH na maabot ang target. Huwag na ring mangako at magtrabaho na lang nang todo.

COVID-19 VACCINE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with