^

Punto Mo

Ginger (171)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

‘PAANO ang trabaho natin Anton? Ikaw manedyer ka sa HR. Ang laki ng suweldo mo. Iiwan mo ?’’ tanong ni Ginger.

Nagtawa si Anton.

‘‘Ba’t ka nagtawa, Anton?’’

‘‘Sa palagay mo ba mas malaki ang suweldo ko sa kompanya kaysa sa kayamanang narito sa lupa mong minana? Baka ang kompanya natin e makaya kong bilihin dahil sa dami ng gemstone dito. Walang pagkaubos dito samantalang ang kompanya natin, puwedeng malugi at magsara. Etong mina sa lupa mo, nanganganak nang nanganganak.’’

Nag-isip si Ginger. Tama si Anton.

‘‘Oo nga Anton, mas mayaman pa tayo kaysa may-ari ng kompanya.’’

‘‘Correct. Pero siyempre dapat tayo magpakumbaba pa rin at isaisip na mag-share tayo sa iba. Kaya tama ang gagawin natin na lahat ng mga bata dito ay pag-aralin natin at pakainin nang maayos. Maski yung mga bata na wala sa listahan ni Daniel ay tulu­ngan natin. Matutuwa si Tatang Nado kung nasaan man siya ngayon sa gagawin natin. Kasi ang gusto niya ay matulungan lahat.’’

‘‘Tama ka, Anton,’’

‘‘Kaya ang gagawin natin, magko-concentrate tayo sa lupaing ito. Pagagandahin natin. Pagyayamanin pa natin. Etong kinatatayuan ng kubo ni Tatang Nado ay patatayuan natin nang magandang istruktura na magpapaalala kay Tatang Nado.’’

‘‘Sige, Anton. Ganyan ang gawin natin. Ipagpagawa natin ng rebulto si Tatang Nado dito.’’

(Itutuloy)

TRUE CONFESSION

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with