^

Punto Mo

Bakuna sa mga mag-aaral, palakasin pa!  

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

SA Nobyembre nakatakdang ipatupad ang full face-to-face classes sa lahat ng elementary at secondary schools.

Sa kasalukuyan kasi, pinaghalong F2F classes at online classes ang ipinapatupad na paghahanda na nga sa full F2F classes sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan.

Una na itong ipinag-utos ng Department of Education (DepEd) na nagsabing kailangan nang makabalik sa normal na pag-aaral ang mga estudyante na naapektuhan ng naganap na pandemya.

Pero marahil dahil sa mga natatanggap na ulat nga na may mga tinatamaan na ng COVID sa mga paaralan, kaya marahil muling binuksan ang pag-uusap kol dito.

Mismong si Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte ang nagsabing pinag-uusapan na umano ng Gabinete ang posibleng extension ng blended o distance learning.

Posibleng anumang araw ay ibigay na nila ang kanilang report o rekomendasyon sa Pangulo ukol dito.

Inasahan na rin naman na nang magbukas ang negosyo at pagbabalik sa F2F classes ng mga mag-aaral, tataas ang kaso ng virus.

Sumabay pa nga ang ilang kaluwagan sa panuntunan tulad ng hindi na nga mandatory pagsusuot ng face mask sa mga open spaces.

Sa pinakahuling ulat na inilabas ng Department of Health (DOH) sa naitalang kaso mula Oktubre 2-5 nasa 2,562 ang naitalang kaso ng COVID. Ang 1,174 dito ay mula sa NCR, 38 ang nasawi. Nasa 15.4 % ang positivity rate.

Ito marahil ang bibigyang konsiderasyon kung posible nga bang palawigin ang distance learning.

Sana ay matutukan na rin dito ang bakuna sa mga batang mag-aaral na isang mabisang proteksyon na panlaban sa virus.

Sa kasalukuyan, tila mababa pa ang bilang ng mga protektadong mag-aaral hindi lang sa COVID kundi maging sa iba pang sakit.

Sa report ang World Health Organization at United Nations Children’s Fund (UNICEF) sobrang mababa ang routine immunization coverage ng mga bata sa bansa.

Palakasin pa marahil ang pediatric immunization sa bansa, lalu na nga at tumataas din ang nagkakaroon ng tigdas sa mga bata na hindi malayong mauwi sa outbreak.

COVID-19 VACCINE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with