^

Punto Mo

Libreng sex change ng LGBT, nabuking ng CIDG!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

SA kanyang mahigit 30 na taon sa serbisyo, ngayon lang naka-encounter si CIDG director Maj. Gen. Ronald Lee ng grupo ng mga bakla na sangkot sa kaso ng kidnapping para makakalap ng pondo para sa sex change. Kaya nagulat si Lee matapos mabuwag nila ang “Warlalu” kidnapping gang kung saan ang mga miyembro nito ay mga transgender. Lima sa kanila ay naaresto ng mga tauhan ni Col. Hansel Marantan ng CIDG National Capital Region (NCR) samantalang tatlo pa ay sumuko.

Itong salitang “Warlalu”, ayon sa mga kaibigan ni Marantan sa LGBT ay lengguwahe sa kalye na ibig sabihin ay “Let’s get it on, let’s go to war.” Hayan, maliwanag na sa inyo ‘yan ha mga kosa? Sa kanilang backtracking, sinabi ni Lee na 14 na ang naging biktima ng grupo subalit itong si Michael Lee lang, na Taiwanese national, ang nagreklamo. Mabilisan lang ang ransom payment ng grupo, ani Lee, dahil mula P200,000 hanggang P500,000 ay katalo na at kadalasan ang bayaran ay sa Gcash. Eh di wow! Hindi naman nahinto ang pagtugis sa lider ng grupo na si alyas Mokey, sa tulong ng Anti-Kidnapping Group at ng militar. Hehehe! Goodbye na lang sa “Warlalu” gang! Dipugaaaaa!

Ganito pala ang modus operandi ng “Warlalu” gang, ayon kay Marantan. Mag-post sila ng maga­gandang pictures nila sa social media at makipag-meet up sa mga nagkakursunada sa kanila, karamihan mga foreigners. Kapag na-neutralize nila ang kanilang biktima, dadalhin ito sa safehouse kung saan sasaktan ito, palagi sa mukha, hanggang magka-hematoma. Kukunan nila ng litrato ito at ipadala sa pamilya sabay singil ng ransom, na kadalasan ay nababayaran sila sa loob ng tatlo hanggang apat na araw. Kaya kung naging biktima kayo ng ganitong raket ng “Warlalu” gang, aba’y lumutang na kayo sa CIDG sa Camp Crame mga kosa para madagdagan ang kaso ng mga suspects. Dipugaaaaa!

Ayon kay Lee, nagsimulang mag-operate itong grupo noong 2018 at sa kanilang pananaliksik ay may 14 na silang biktima at nakalikom ng P5 milyon. Pinasalamatan ni Lee si Michael dahil siya lang ang matapang na nagrekamo laban sa grupo. Idinagdag pa ni Lee na ang kinita ng grupo ay ginagastos nila sa sex reassignment surgery o transgender surgery kalimitan sa Thaniland kung saan ang gastusin ay mula sa P400,000 hanggang P500,000. Walastik! Naiiba rin ang raket nitong “Warlalu” gang no mga kosa? Wala silang gastos eh. Kaya lang, may kasabihan tayong “crime does not pay” kaya’t hayun, bagsak sila sa kulungan. Hak hak hak! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan! Mismooooo!

May mga armas din itong grupo at handang lumaban dahil sa salitang “Warla” kaya lang naunahan sila ng tropa ng CIDG. Sa ngayon, ipinasailalim sa forensic examination ang mga nakumpiskang gadgets, tulad ng celfones, para arukin kung mayroon silang counterpart sa ibang bansa. Hindi lang ‘yan! Lalabas din sa forensic examination kung kaninong Gcash dumaan ang mga ransom payments. Tsk tsk tsk! Marami pa ang madadamay sa kasong ito. Abangan!s

LGBT

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with