^

Punto Mo

Mga kaso sa Comelec, nakakainis na nakakatawa pero mabenta!

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

MASAKLAP ang nangyaring pagpapatalsik kay Governor Henry Teves na nanalong governor ng Negros Oriental noong nakaraang May 2022 election. Pinanigan ng Comelec ang petisyon nang naging kalaban nitong si Roel Degamo, kaya ito ang uupong gobernador. S’werte mo ‘dong…adto man diha ‘bay!

May tumakbo rin kasing isang kandidato na ang ginamit na pangalan ay Ruel Degamo na natuklasang ang tunay na pangalan ay “Grego Gaudia” na talaga namang nakakamangha. Mantakin n’yong U at O lang ang dahilan. Ang bantot mo, amoy pozo negro ka Tsong.

Idineklara ng Comelec na “nuisance candidate” si Grego Gaudia a.k.a. Ruel Degamo kaya ang lahat ng naging boto nito ay idinagdag kay Roel Degamo. Tama lang na “G.G.”ang initial ni Grego Gaudia. Hindi tulad ni Comelec chairman George Garcia, G.G. rin pero “Good Guy”naman. Ayos, ‘di ba?

Kaiba naman ang kaso ni Albay Governor Noel Rosal na idineklarang disqualified, dahil sa pamimigay nito ng ayuda sa mga tricycle drivers at senior citizens, 45 days before election na isang paglabag diumano sa itinatalaga ng batas ayon sa omnibus election code. Pero teka, lahat naman halos ng incumbent officials ay namigay ng “monthly scheduled ayuda” gamit ang pondo ng gobyerno sa mga tao, botante man o hindi dahil sa pandemya, vote buying pala ‘yun? Lagooot!

Ang nagprotesta laban kay Gov. Noel Rosal ay si Joseph Armogila na natalong kandidato sa pagka-konsehal ng Legaspi City at hindi ang natalong si incumbent Gov. Al Francis Bichara. Baka naman daw nagpapa-refund lang. Kanino kaya? He-he-he!

Kapag na-disqualify si Rosal ay si Bichara pa rin ang governor, pero si Joseph Armogila ay mananatiling talunan. Kaya siguro nag-sour graping? Maasim pala talaga ang ubas sa Bicol. Balik “Sweetened Pili Nuts” na tayo n’yan kasalo si VG Grex Lagman. Yahoooooo!

COMELEC

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with