^

Punto Mo

Marami na naman ang nalilibang at nagpapasaway!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

PINANINIWALAANG hanggang sa matapos pa ang taon posibleng mananatili sa 2-libong arawang kaso ng COVID sa bansa.

Ayon yan sa UP COVID-19 Response Team.

Base naman sa ulat na inilabas ng Department of Health (DOH) na umabot sa 16,017 ang naitalang kaso mula Setyembre 26 hanggang noong Linggo, Oktubre 2.

Kung susumahin, nag-a-average nga sa 2,228 ang naitatalang kaso kada araw.

Tumataas din ang bilang ng sinasabing nagtataglay ng ‘severe’ o ‘critical’na kondisyon, gayundin ang pagtaas ng bilang ng nasasawi.

Kung tumataas ang kaso ng COVID, matumal at maliit lamang  ang porsiyento ng mga nagpapa-booster na panlaban sana muli sa lumalaganap pang virus.

Hindi pa yan, nakatanggap na rin umano ng ulat ang Department of Education (DepEd) na  may ilan na umanong kaso ng COVID sa mga paaralan mula nang buksan ang face-to-face classes.

Ito ngayon ang masusing binabantayan para na rin sa kaligtasan partikular ng mga batang mag-aaral.

Nitong mga nakalipas na linggo, mistulang marami na naman kasi ang nakakalimot at ­masyadong nasabik sa ilang pinapatupad na kaluwagan.

Oo nga’t hindi na mandatory ang pagsusuott ng face mask sa mga open spaces, pero hindi naman sa mga mataong lugar.

Kahit nga sa mga lugar na hindi pa inaalis ang face mask mandate lalo na sa mga indoor, aba’y  hindi na rin gumagamit ng face mask.

Laging tandaan kung hindi mag-iingat ang lahat, posibleng lahat na naman maaapektuhan kapag muling tumaas ang kaso.

COVID-19

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with