^

Punto Mo

Puwede bang mag-iba ng address habang may utang sa credit card?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Maari ba akong lumipat ng tirahan ng hindi ipinaaalam sa banko? May utang kasi ako sa credit card at nang mabanggit ko ang paglipat ko sa kaibigan kong bank teller ay sinabi niyang ­kailangan ko raw ipaalam sa banko kung saan ako lilipat. Tama ba siya?—Carla

Dear Carla,

May katotohanan ang sinabi ng kaibigan mo. Nakasaad kasi sa Section 14 ng Republic Act No. 8484 na may presumption o ipagpapalagay na may intensiyong manloko ang sinumang aabandona o palihim na lilisan sa lugar ng kanilang negosyo, tirahan, o trabaho na siya rin nilang inilagay sa kanilang credit card application nang walang pasabi sa credit card company. Ang presumption na ito ay applicable sa mga may utang sa kanilang credit card na higit sa P200,000 at higit sa 90 araw nang hindi nababayaran.

Kaya kung may malaki kang outstanding balance sa iyong credit card, mainam na ipaalam mo sa iyong credit card company kung saan ka lilipat ng tirahan. Mahirap na kung pagsimulan pa ng kriminal na kaso ang iyong paglipat ng address nang hindi nagsasabi sa banko dahil maaring ipagpapalagay ng batas na tumatakas ka sa iyong mga obligasyon at ang pag-alis mo sa lugar na nakasaad sa iyong bank records ay tanda ng iyong intensiyong makapanloko.

CREDIT CARD

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with