^

Punto Mo

Ginger (169)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

‘‘BAKIT kaya ako ang ginawang tagapagmana ni Tatang Nado?’’ naitanong ni Ginger matapos mabasa ang last will.

Si Daniel ang sumagot.

‘‘Narinig ko po minsan na sinabi ni Lolo Nado na mabuti ang iyong kalooban at mapagkakatiwalaan. Sinabi po niya yun noong una kayong magpunta rito ni Tito Anton.’’

‘‘Napakabuti niya. Hindi ko bibiguin ang kanyang mga inihabilin. Tutuparin ko lahat at pagyayamanin ko pa ang lupaing ito na ipinamana niya sa ating dalawa, Daniel. Huwag nating sisirain ang magandang pangarap ni Tatang Nado.’’

‘‘Opo Tita Ginger. Naipangako ko rin kay Lolo na kapag nakatapos na ako sa pagdodoktor, dito ako manggagamot. Marami po rito ang maysakit na hindi na nadadala sa bayan. Wala po silang perang pambayad sa ospital at wala ring maibili ng gamot. Kinamamatayan na po ang sakit.’’

‘‘Mabuti ang naisip mo Daniel. Tiyak na makakatapos ka ng pagdodoktor dahil marami tayong gagastusin sa pag-aaral mo. Hindi mauubos ang iniwang kayamanan ni Tatang Nado.’’

‘‘Mag-aaral po akong mabuti, Tita Ginger.’’

‘‘Salamat Daniel.’’

‘‘Siyanga po pala ipakilala ko pa sa inyo mamaya ang iba pang magkokolehiyo sa Maynila sa darating na pasukan.’’

‘‘Sige, Daniel.’’

(Itutuloy)

GINGER

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with