^

Punto Mo

EDITORYAL - Pagtaas ng kaso ng COVID-19

Pang-masa
EDITORYAL - Pagtaas ng kaso ng COVID-19

TUMATAAS muli ang kaso ng COVID-19. Ayon sa Department of Health (DOH), umakyat na sa 29,118 ang active cases sa bansa at nakapagtala ng 31 patay.

Ayon pa sa DOH, ang National Capital Region (NCR) ang may pinakamataas na kaso, 13,991 na sinundan ng Region 3 na may 2,830 kaso, Region 11, 1,306 kaso at Region 6, 757 kaso.

Sinabi naman ng OCTA Research Group na posibleng tumaas ang kaso ng COVID ngayong Oktubre. Ganito rin ang ipinahayag ng mga doctor at health experts kaya mahigpit silang tumututol sa pag-aalis ng face masks. Maski ang DOH ay hindi pabor sa pabigla-biglang desisyon na alisin ang mandatory na pagsusuot ng face masks. Hindi pa panahon anila na alisin ang face masks dahil narito pa ang virus.

Ang local government ng Cebu City ang unang-unang nagpahayag na aalisin na ang pagsusuot ng face mask sa labas ng gusali at iba pang open at ventilated na lugar. May ilang LGUs din na nagpahayag sa pag-aalis ng face masks. Ayon sa ilang LGUs, hadlang sa pagpapalakas ng turismo ang pagsusuot ng face masks.

May mga dayuhan umano na ayaw nang magsuot ng face mask kaya iniiwasan ng mga ito ang mga lugar na mahigpit na ipinatutupad ang pagsusuot ng face mask.

Nararamdaman na rin ng ilang opisyal ng Department of Education (DepEd) ang pagdami ng COVID infections. Ayon sa ilang DepEd officials, may mga es­tudyante, guro at iba pang personnel sa public schools ang tinamaan ng COVID. Nangyari umano ang pagtaas ng bilang mula nang bumalik sa face-to-face classes noong Agosto. Sinabi naman ng OCTA na ang pagdami ng kaso ng COVID ay dahil sa paghina ng immune system.

Mula nang unti-unting bumaba ang kaso ng COVID, kapansin-pansin na kakaunti na ang nagpapabakuna at nagpapa-booster. Ang ilan ay hindi na nag-aaksayang magtungo sa vaccination centers at ang katwiran ay nawawala na ang virus. Hindi na raw kailangan ang bakuna o booster kaya.

Kung patuloy na dadami ang kaso, maaaring maghigpit muli para ito mapigilan. Balik sa dating lockdown. Balik sa simula. Nararapat na paigtingin ang pagbabakuna para may proteksiyon ang lahat. Hikayatin ang mga wala pang booster shots. Laging mag-ingat at mag-face mask, maghugas ng kamay at huwag magkumpul-kumpol. Iwasan muna ang mga kasayahan o party na kadalasang pinagsisimulan ng hawahan.

COVID-19

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with