^

Punto Mo

May tila tele-serye na namang inaabangan!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

MISTULANG tele-serye na naman na kaabang-abang sa mga susunod na kabanata o pangyayari ang pagbibitiw ng ilang mga opisyal ng pamahalaan.

Kahapon halos magkasabay na nagbitiw sina dating Press Secretary Trixie Cruz-Angeles at Commission on Audit chair Jose Calida.

Kapwa na-bypass ng makapangyarihang Commission on Appointment (CA) ang dalawa.

Marami rin naman sa gabinete ang na-bypass ng CA, pero muling inappoint ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Kalusugan ang ibinigay na dahilan ni Angeles sa kanyang pagbibitiw.

Habang hindi naman malinaw kung ano ang idinahilan ni Calida sa pagbibitiw.

Hindi nga ba’t nauna nang nagbitiw bilang Executive Secretary si Atty. Vic Rodriguez na ang idinahilan ay para mabigyan ng oras ang pamilya.

Nabanggit din nito na hindi naman siya tuluyang mawawala sa gobyerno, matapos niyang ianunsyo mismo na itinalaga siya bilang Presidential Chief of Staff, pero kahapon sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin na hindi na miyembro ng Gabinete si Rodriguez.

Wala pa ring inanusiyo na papalit kina Angeles at Calida.

Ang kaabang-abang dito, mukhang hindi pa rito matatapos ang mga pagre-resign ng ilan pang opisyal.

Mistulang hindi pa talaga kumpleto ang line-up ng bagong administrasyon, may inihalal man mukhag may kontrobersiya.

May ilang mahahalagang posisyon pa ang nananatiling officer-in charge pa rin ang namumuno.

Hindi nga ba’t may ilan pang ‘fake appointment’ ang kumalat na pinabubusisi ng Pangulo.

Nang maupo  noon si Pangulong Digong,

Hindi nagtagal at agad –agad kumpleto na ang line-up ng kanyang Gabinete, kaya agad na nakakilos nang husto ang bawat ahensya.

Aksyon agad ang nangyari.

Anut-anuman intay pa rin tayo sa susunod na kabanata nang bitawan ba o sibakan sa puwesto.

TRIXIE CRUZ-ANGELES

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with