^

Punto Mo

Gen. Sermonia, balik No. 2-man ng PNP!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

LUMIKHA nang maraming haka-haka ang pagbalik sa ­dating puwesto ni Lt. Gen. Rhodel Sermonia bilang The Deputy Chief for Administration (DCA) ng Philippine National Police (PNP). Anong kababalaghan ito? Si Sermonia ay kasama sa aabot sa 80 PNP officials na tinamaan ng rigodon matapos maupo sa puwesto si PNP chief Gen. Jun Azurin.

Natapon si Sermonia sa Area Police Command-Visayas- na isang kangkungan kahit ano pang pampabango ang gagawin ng PNP. Subalit matapos magretiro ang pumalit kay Sermonia na si Lt. Gen. Chiqui Malayo nitong October 2, naglabas ng order si DPRM chief Brig. Gen. Robert Rodriguez na si Sermonia na ang OIC ng TDCA. Kaya lang may kicker pa sa order na ang designation ni Sermonia ay habang naghahanap lang ng kapalit kay Malayo. Eh di wow!

Dahil sa masalimuot na order na ito ni Sermonia, iginiit ni kosang Caby na puwede pang masibak na muli ito. Araguuyyyyy! Bakit iuupo pa sa puwesto si Sermonia kung sisibakin pa sa bandang huli? Mismooooo! Double whammy ang inabot ni Sermonia pag nagkataon. Dipugaaaaa!

Sa totoo lang, wala namang magrereklamo sa bagong appointment ni Sermonia dahil siya na ang pinaka-senior sa PNP. Si Sermonia ay miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Class ‘89 samantalang ang Deputy Chief for Operations na si Lt. Gen. Benjie Santos ay PMA Class ‘91 samantalang si Chief of Directorial Staff Lt. Gen. Arthur Bisnar ay PMA Class ‘90.

Hindi lang ‘yan, bago siya masibak sa puwesto, mga ilang buwan din si Sermonia naupo na TDCA kaya gamay na niya ang trabaho. Malaki ang maitulong ni Sermonia sa bayaw niya na si Azurin, na inuulan ng puna dahil sa matamlay na liderato niya mula kay Sen. Bato dela Rosa. Hehehe!

Iwas-pusoy din si Azurin sa mga maiinit na isyu tulad sa kaso ni Atty. Alfegar Triambulo, ang Inspector General ng Internal Affairs Service na kinasuhan ng empleada niyang si Genevieve Lipura ng sexual harrassment sa Ombudsman. Hehehe! Hugas-kamay palagi si Azurin. Mismooooo!

Ang tanong na umiikot ngayon sa Camp Crame ay may nakitang pagkakamali sa PNP ang administrasyon ni President Bongbong Marcos kaya pinabalik si Sermonia bilang TDCA para ayusin ito? O di kaya’y may malakas na padrino si Sermonia? Hahaha!

Kung may bagyong padrino si Sermonia, abaaaa maari pa siyang maging PNP chief, di ba mga kosa? Si Azurin, Santos at Bisnar ay magreretiro na sa sunod na taon samantalang si Sermonia ay sa Enero 2024 pa. Ibig sabihin sa pagretiro ni Azurin sa Abril may siyam na buwan pa si Sermonia sa serbisyo. Si Sermonia ay bihasa sa field di tulad ni Azurin na lumaki sa Comptroller family kaya malaki ang pinagkaiba nila, di ba mga kosa? Dipugaaaaa!

Kapag na-retain ni Sermonia ang puwesto niya hanggang magretiro si Azurin may tulog pa sa kanya ang mga kalaban niya sa pagka-PNP chief. Welcome back sa mainstream ng PNP my idol Gen. Sermonia Sir! Abangan!

PNP

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with