^

Punto Mo

Psychology facts

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

• Nagiging pakialamera lang ang isang babae sa taong pinagmamalasakitan niya. Wala siyang pakialam sa mga taong hindi mahalaga sa kanya. Matakot ka kapag tumigil na siya sa pagiging pakialamera sa iyo.

• May isang pagkakataon na magsisinungaling sa iyo ang pinakamabuting tao sa iyong buhay. Iyon ay sa dahilang mas mahalaga ka kaysa “katotohanan”.

• Pagkaraan ng 34 na minutong pakikipagkuwentuhan ng isang babae sa lalaki, nalalaman na niya kung may potensiyal ang lalaking iyon sa pangmahabaang pakikipagrelasyon.

• Ang isang pinakamahirap gawin ay kumbinsihin mo ang iyong sarili na hindi mo na siya mahal.

• Ang mataas na level ng stress ay may negatibong epekto sa memory dahil nagpapaliit ito ng utak.

• Kapag may pumasok na bagong kakilala sa barkadahan, ang importansiya ng dati nang miyembro ng barkada ay nababawasan kahit hindi sinasadya.

• Kapag may desisyon kang gagawin, maghagis ka ng coin paitaas, kagaya sa cara y cruz. Hindi para yung coin ang magdesisyon kundi para maisip mo ang mainam gawin habang nasa ere ang coin. Habang umiindayog ang coin kasabay ng hangin, nagiging aktibo ang iyong brain cells at bigla mong maiisip kung ano ang dapat gawin.

PSYCHOLOGY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with