^

Punto Mo

Sintunadong ­protesta ng mga Pil-Am kay BBM sa U.S., nabokya!

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

NAGMISTULANG bulok na kamatis ang kakarampot na bilang ng mga Pilipino-American na nagprotesta sa pagdalaw ni Pres. Bongbong Marcos sa U.S. kamakailan. Naging katawa-tawa pa ang mga nag-organisa at ginamit na propaganda laban sa administrasyon ni BBM. Sayang na inisyatibong nagwakas lang sa pagiging sintunado. Magkaturay kaya muna ulit kayo?

Wala pa naman kasing malinaw na isyu para barubalin si BBM ng naiinis ditong mga kalaban, maliban sa tinalo nito si Leni Robredo sa nakaraang eleksyon. Gusto lang talagang sirain ng iilan ang liderato nito gamit ang mga lumang estilo ng political propaganda. Mag-ipon muna sana ng bagong isyu ang grupo ni Miss Loida Lewis. Sayang naman ang gastos ng ale, tsk-tsk-tsk!

Sa obserbasyon ng mga nagmamasid sa galaw ng pulitika sa bansa, malaki ang epekto ng kampanya ni dating President Digong laban sa mga makakaliwang paksyon nang pamayanan at maging sa political opposition sa labas ng bansa. Mataas ang naging popularidad ni Digong sa mamamayan kahit “palamura” ang lolo di ba?

Ang wala sa panahong pagtuligsa sa administrasyon ni PBBM ay magpapahina sa oposisyon lalo na kung walang batayan sa ipinalalabas na isyu ng katiwalian na naiuugnay sa Malacañang. Nabokya rin si Loren Sinta sa pinakahuling talumpati niya sa senado. Mistulang pagkampi ng senadora sa kumakalaban sa estado. Kung si Digong ang presidente baka namura na siya nito, ha-ha-ha!

Naging maiinit man ang mga naging usapin hinggil sa mga itinatalagang opisyales ng gobyerno nitong nagdaang araw. Hindi raw naman nalagay sa malalim na negatibong imahe ang Malacañang. Sinolo lang daw kasi ni Vic. Sabi nga ni Ampang, Attorney, ang resibo?

Malaking pangamba ang idudulot nang maagang panunuligsa ng kalaban ng adimistrasyon sa mga dayuhang nagbabalak magnegosyo sa bansa. Ang pamumuhunan nila ay magbubukas din ng pinto sa karagdagang bilang ng manggagawa na kakailanganin sa kanilang operasyon. ‘Wag kasing maging sutil!

BONGBONG MARCOS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with