^

Punto Mo

Ginger (168)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

‘‘DITO ko po ibinaon ang titulo at huling habilin ni Lolo Nado. Siya po ang nag-utos na ibaon ko. Huwag ko raw pong ipaaalam sa ibang tao. Sa inyo ko lamang daw ipagkatiwala ang mga ito, Tita Ginger at Tito Anton,’’ sabi ni Daniel.

‘‘Kailan niya ginawa ang last will, Daniel?’’ tanong ni Ginger.’’

‘‘Kung hindi po ako nagkakamali ay nung araw na ikasal kayo ni Tito Anton. Nabanggit po kasi niya na babalik daw kayong dalawa rito ni Tito Anton pagkatapos ng inyong kasal. Ipinangako raw po ninyong dalawa iyon.’’

‘‘Oo nga. Sinabi namin ni Anton na babalik kami. Pero natagalan dahil marami pang mga nangyari habang nasa Maynila kami.’’

‘‘Ang utos po ni Lolo Nado ay ibaon ko ang titulo at huling testamento at saka hukayin at ibigay sa inyong mag-asawa. Dapat po nung huling nagpunta kayo rito ay huhukayin ko at ibibigay ko sa inyo pero napanaginipan ko si Lolo at sinabing saka na lang ibigay ang mga ito sa inyo. Ang mga mamahaling bato na lamang na nasa supot na itim ang ipinagkaloob ko sa inyo.’’

‘‘Maaasahan ka Daniel,’’ sabi ni Ginger. ‘‘Sige hukayin na natin ang lupa para makuha na ang titulo at ang last will.’’

Hinukay nila ang lupang pinagbaunan.

Makalipas ang mga 20 minuto, nahukay nila ang nakabaon. Nakabalot sa plastic ang mga dokumento.

Binuksan ni Daniel ang brown envelope at kinuha roon ang titulo at last will.

Iniabot kay Ginger.

Binasa ni Ginger ang last will.

Napaiyak si Ginger sa katuwaan. Isa siya sa tagapagmana ng naiwang lupa ni Tatang Nado! (Itutuloy)

GINGER

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with