^

Punto Mo

Misis, naging wedding coordinator sakasal ng kanyang mister at kabit nito!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

VIRAL at pinag-uusapan ng mga Indian netizens ngayon ang pambihirang love story tungkol sa Indian YouTuber na si Kalyan at ang misis nito na si Vimala. Nagkakilala sila sa social media dalawang taon na ang nakararaan. Nagsimula sila bilang magkaibigan at kalaunan ay naging mag-asawa.

Sumikat at nagkaroon nang maraming followers at subscribers ang mag-asawang Kalyan at Vimala dahil sa mga video content na pino-post nila tungkol sa kanilang buhay mag-asawa.

Matapos ang ilang taon na pagsasama, napansin ni Vimala na lumamig ang pakikitungo ng kanyang mister simula nang lumipat sa kanilang lugar si ­Nitya Sree na isa ring YouTuber at social media influencer. Lalong naghinala si Vimala nang malaman niyang ex-girlfriend ni Kalyan si Nitya.

Nang mapatunayan ni Vimala na nagkabalikan sina Kalyan at Nitya, nagulat siya sa pakiusap ng mga ito sa kanya na payagan silang magpakasal. Bukod dito, nakiusap din ang magkalaguyo na magsama-sama silang tatlo sa iisang tahanan!

Pinag-isipang mabuti ni Vimala at pumayag din siya sa gusto ng kanyang mister at kabit nito. Bukod sa pagbigay ng basbas, si Vimala na rin ang nag-coordinate ng buong wedding ceremony. Si Vimala ang nagpa-book sa templo kung saan gaganapin ang kasal, siya na rin ang naghanap ng isusuot ng bride at siya na rin ang nakipag-usap sa caterer. Sa mismong araw ng kasal, umattend din si Vimala at kasama pa siya sa wedding picture.

Sari-saring komento ang natanggap ng tatlo sa social media, karamihan ay pambabatikos sa mister at ang ilan ay pagkaawa at paghanga sa martir na misis na si Vimala.

vuukle comment

WEDDING COORDINATOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with