^

Punto Mo

EDITORYAL – Pangamba sa ROTC

Pang-masa
EDITORYAL â Pangamba sa ROTC

HINDI na sa senior high school ipatutupad ang ROTC kundi sa kolehiyo na. Balik sa dati. Ito ang ipinahayag ni Vice President at DepEd Secretary­ Sara Duterte noong nakaraang linggo. Una nang inihayag ni Sara noong Hulyo na ibabalik ang ROTC sa senior high school at pabor naman dito si President Ferdinand Marcos Jr. Katunayan, inihayag na ito ni Marcos sa kanyang talumpati sa SONA noong Hulyo 22. Ayon kay Marcos, ang layunin ay para masanay at ma­organisa ang mga estudyante sa pagtatanggol sa bansa at maihanda na rin sa mga kalamidad at mga katulad na sitwasyon. Hiniling pa niya sa mga mambabatas na lumikha ng batas ukol dito.

Ayon pa kay Sara, nakikipag-usap na siya sa mga mambabatas ukol dito. Mas mabuti umano na sa higher education ibalik ang ROTC dahil talaga namang mga nasa kolehiyo ang kumukuha nito. Nang maitalaga si Sara sa DepEd, ang pagbabalik ng mandatory ROTC ang isa sa kanyang prayoridad. Layunin sa pagbabalik ng ROTC na manaig ang pagmamahal sa bayan at maging disiplinado.

Inalis ang ROTC noong 2008 nang isabatas ang Republic Act 9163 o National Service Training Program (NSTP). Naging voluntary na lamang ang ROTC. Isa sa mga dahilan kaya binuwag ang ROTC ay dahil sa malagim na pagpatay kay UST cadet officer Mark Wilson Chua ng mga kapwa niya cadet officer noong 2001. Ibinulgar ni Chua ang corruption sa ROTC ng unibersidad. Pinatay si Chua sa pamamagitan ng pagbigti. Binalot siya sa kutson at saka itinapon sa Ilog Pasig. 

Nangamba ang mga magulang sa karahasang nang­­yari. Hindi nila maubos maisip na may magbubuwis ng buhay habang nasa ROTC na dapat ay nasa mabuting kamay ang kanilang mga anak. Masyadong malagim ang pangyayari na nagpabago sa pananaw ng mga magulang at estudyante mismo sa ROTC. Ang pagkamatay ni Chua ang tuluyang nagbuwag sa UST. Nakalaya ang mga estudyante sa puwersahang pagti-training na ginaganap kung Linggo habang nakabilad sa init ng araw.

Ngayong ibinabalik na muli sa college level ang ROTC, ang pangamba ay muli na namang sumasaklot sa marami, partikular sa mga magulang. Baka maulit­ ang karahasan. Baka mayroon na namang mamatay dahil sa pagsisiwalat ng katiwalian. Dapat ba tala­gang ibalik ang ROTC para lamang mapa­tunayan na may pagmamahal sa bayan? Matyagan ng lahat ang pagbabalik ng makontrobersiyang ROTC.

ROTC

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with