^

Punto Mo

12 magkakapatid na may combined age na 1,058 years old, nakatanggap ng Guinness world title!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG pamilya sa Spain na may 12 magkakapatid ang pinarangalan ng Guinness World Record dahil kapag pinagsama-sama ang kanilang mga edad ay aabot ito sa 1,058 years and 249 days old!

Binubuo ng pitong lalaki at limang babae ang Hernandez-Perez siblings. Ang pinakabata sa kanila ay 76- anyos at pinakamatanda naman ay 97-anyos.

Naninirahan ang magkakapatid sa Moya, isang maliit na bayan sa hilagang bahagi ng Gran Canaria, isa sa mga isla ng Canary Islands.

Nagsimula lamang sa biruan habang nagdidiwang ng family reunion ang paghamon ng Hernandez-Perez family sa Guinness title na “Highest combined age of 12 living siblings”. Nang malaman nila na mas mataas ang combined age nila sa current record holder, sineryoso na ng magkakapatid ang application at agad nilang nilikom ang kanilang birth certificate para isumite sa Guinness.

Matapos kumpirmahin ng Guinness na sila na ang pinakabagong record holder, nagsama-sama muli sina Jose (97-anyos), Alejandro (96), Car­men (94), Juan (93), Rosario Ofelia (92), Amanda (90), Modesto (88), Angela (86), Francisco (84), Gloria Hortensia (82), Miguel (80) at Luis (76) para ipagdiwang ang kanilang pinakabagong achievement, ang mapabilang sa Guinness Book of World Records.

GUINNESS WORLD RECORD

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with