^

Punto Mo

Tarlac CIDG, pinalaya ang preso!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

MAYROON talagang oras na mas mahalagang maging makatao kaysa maging tama o naaayon sa batas. Ito na nga ang ginawa ng mga miyembro ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Tarlac nang kanilang pairalin ang pagmamahal sa kapwa imbes na sana’y hayaan na lamang mabulok sa kulungan ang isang batang lalaki na nahuli sa kasong physical injuries.

Kaya hindi nakaligtas sa pansin ni CIDG Director Maj. Gen. Ronald Lee itong kawanggawa ng kanyang tauhan sa Tarlac at pinuri niya ang mga ito sa pagpapakita ng kabutihan, maging sa mga namamali ang landas. “May this action be an example to others. Let us be ambassadors of community development, helping hand in hand towards a Life that is beautiful,” ang sabi ni Lee.

Sana dumami ang ganitong uri ng pulis sa hanay ng ating PNP para bumango ang imahe ng ating kapulisan. Mismooooo. Anong sey n’yo mga kosa? Dipugaaaaa!

Noong nakaraang Sept. 8, isang high school student na nagngangalang Jamire, ang hinuli ng mga detectives ng Tarlac CIDG sa bisa ng warrant of arrest na inilabas dahil sa kanyang pagkakasangkot sa mainitang pagtatalo na nauwi sa pananakit. Dahil nagmula sa isang broken home, wala nang ibang mahihingan pa ng tulong si Jamire maliban sa kanyang kapatid na babae. Dahilan ito upang magtiis ng dalawang linggo ang bata sa loob ng kulungan.

Matapos mapag-alaman ang tungkol sa malungkot na buhay ni Jamire, ang mga miyembro ng Tarlac CIDG ay naawa sa bata at napagkaisahan nilang mag-ambag upang mabigyan ito ng pagkain, matutuluyan and maging tulong financial para sa pagbabayad ng piyansa. 

Bago makalabas ng kulungan ay nag-iwan ng madamdaming pasasalamat si Jamire na kanyang isinulat sa isang cardboard at isinabit n’ya sa rehas. “Thank you po sa pag-aalaga n’yo po sa akin mga Sir-Ma’am hindi ko po kayo makakalimutan sa pagtulong n’yo sa amin ng Ate ko para po makalabas po ako rito dahil di n’yo po ako pinabayaan ni konting oras man lang. Thank you po ulit mga Sir, Ma’am ingat po kayo palagi. God Bless po,” ayon sa sulat ni Jamire.

Five thousand pesos ang piyansa ni Jamire! Hehehe! May your tribe increase Tarlac CIDG. Dipugaaaaa! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Ang mabuting ipinakita ng mga kapulisan ay nagbigay inspiration kay Jamire na ayusin ang kanyang buhay. Naniniwala na ngayon si Jamire na kahit siya ay nagkamali ay may ipadadala ang Diyos na anghel upang siya ay tulungan at baguhin ang maling pananaw sa buhay. 

Ipinangako rin ni Jamire na gaano man maging mahirap ang buhay ay sisikapin niyang makapagtapos ng pag-aaral, lalayo sa masamang impluwensiya at maging masunurin sa batas. Pangarap daw ni Jamire maging pulis pagdating ng araw para magiging mabuting halimbawa sa kabataan. Eh di wow!

Nakakataba ng puso ang simpleng pasasalamat mula sa isang batang itinuring na Child In-Conflict with the Law (CICL). Sa ngayon, muling magkasama sina Jamire at ang kanyang kapatid. Abangan!

CIDG

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with