^

Punto Mo

Ginger (166)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NIYAYA ni Anton sina Ginger at Daniel sa balon. Si Mulong ay nagbabantay sa sasakyan na may mga gamit at pagkain.

‘‘Halikayo sa balon,’’ yaya ni Anton.

Ilang metro ang layo sa kubo ni Tatang Nado ay narating nila ang balon, May takip itong dahon ng niyog at saging. Hindi nalalanta ang mga dahon dahil hindi naman mainit ang balon kahit nagbabaga. Naisip ni Anton, si Tatang Nado pa ang nagtakip sa balon. Sinigurong natakpan bago siya namatay. Siguro, nararamdaman ng matanda na malapit nang mamatay kaya tinakpan.

Inalis ni Anton ang mga dahon ng niyog at saging.

Nalantad ang balon.

‘‘Iyan ang balon,’’ sabi ni Anton.

Sumilip sina Ginger at Daniel.

‘‘Nagbabaga pala ang ilalim, Anton!’’ sabi ni Ginger na manghang-mangha.

‘‘Pero hindi mainit. Diyan ko kinuha ang bato na nagpagaling sa iyo.’’

‘‘Paano mo nakuha?’’

Ipinaliwanag ni Anton.

Maya-maya, nagulat sila sa nakita sa ilalim ng balon. Nagkaroon ng puting usok. Maputing-maputi na tulad ng ulap.

‘‘Anong ibig sabihin ng usok Anton?’’

‘‘Hindi ko alam. Ngayon ko lang nakita ang usok,’’

(Itutuloy)

GINGER

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with