^

Punto Mo

Pinakamatangkad na pusa sa buong mundo, matatagpuan sa Michigan!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG pet cat sa Michigan, U.S. na may tangkad na 18.83 inches ang pinarangalan ng Guinness World Records dahil ito ang tinaguriang pinakamatangkad na pusa sa buong mundo!

Kinumpirma kamakailan ng Guinness na ang pusang si Fenrir ang bagong record holder ng titulong “Tallest Living Domestic Cat”.

Si Fenrir ay isang Savannah cat, isang hybrid breed na resulta mula sa mating ng domestic cat at African serval.

Sa panayam sa nagmamay-ari kay Fenrir na si William John Po­wers, napag-alaman na ang kapatid ni Fenrir na si Arcturus ang previous title holder ng Guinness World record title na ito. Si Arcturus ay may tangkad na 19.05 inches noong 2016 ngunit hindi na nila ito kapiling sa ngayon dahil namatay sa isang house fire accident.

Bukod kina Fenrir at Arcturus, may dalawang pusa pa si Powers na Guinness title holder—sina Altair at Cygnus, na nagkaroon ng titulo dahil sobrang haba ng kanilang mga buntot.

Bilang fur parent, walang mapagsidlan ng tuwa si Powers. Sobrang proud siya na apat sa kanyang mga pusa ay napabilang sa Guinness Book of World Records.

 

CAT

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with