^

Punto Mo

Maliit na bayan sa India,tinaguriang ‘youtube village’!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISA sa sikat na pampalipas oras ng mga netizens ang panonood ng mga online videos sa Youtube, Facebook, Instagram at TikTok. Sa bawat views sa mga video, kumikita ang content creator nito ng pera.

Dahil dito, milyun-­milyong tao sa buong mundo ang sumusubok ngayon na gawing career ang pagiging video content creators. Kaya may isang bayan sa Chhattisgarh, India ang tinaguriang “Youtube Village” dahil halos lahat ng residente rito ay Youtubers!

Mahigit 3,000 ang populasyon ng rural settlement na Tulsi Village. Bago mauso ang Youtube, pagsasaka ang kinabubuhay ng mga tao dito ngunit nang mabalitaan ng mga residente rito na malaki ang kinikitang pera sa paggawa ng videos online, kinalimutan na nila ang pagsasaka at naging mga content creator at influencers na sila.

Nagsimula ang Youtube Village sa magkaibigang Gyanendra Shukla at Jai Verma. Noong 2012 sinubukan ng magkaibigan na gumawa ng sarili nilang channel at pumatok ang kanilang mga videos sa buong India. Nang kumita na nang malaki ang mga videos nila, nabalitaan ito ng kanilang mga kababayan at gumaya na ang mga ito na mag-post ng mga videos sa Youtube.

Sa kasalukuyan, 40 percent ng mga residente ng Tulsi Village ang gumagawa ng mga video content sa Youtube, TikTok at Instagram. Fifteen years old ang pinakabatang content creator samantalang 85 years old na lola naman ang pinakamatanda.

YOUTUBE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with