^

Punto Mo

Ginger (164)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

KINUHA ni Daniel sa kanyang backpack ang isang asul na kuwaderno at ibinigay Ginger. Kaharap si Anton.

“Eto po Tita Ginger.’’

Binuklat ni Ginger.

Malinis na malinis at maganda ang pagkakasulat ng mga pangalan ng mga bata.

‘‘Ikaw ba ang nagsulat nito Daniel?’’

‘‘Opo Tita.’’

‘‘Marami pala sila.’’

‘‘Mahigit pong isandaan.’’

‘‘Kilala mo silang lahat ?’’

‘‘Opo.’’

‘‘Alam mo ang bahay nila kung pupuntahan natin?’’

‘‘Opo. Nasa ibaba lang po ng kubo ni Lolo Nado,’’

‘‘Matatalino ba talaga ang mga batang ito ?’’

‘‘Opo. Mayroon pong ­pangarap na maging abogado, nurse at guro.’’

‘‘Ikaw lang ang magdodoktor ?’’

‘‘Ako pa lang po.’’

‘‘Siya nga pala alam mo rin ba kung nasaan ang balon na sinasabi ni Lolo Nado mo?’’

‘‘Alam mo kung ano ang laman ng balon?’’

‘‘Hindi po.’’

‘‘Sige next month babalik tayo sa probinsiya para ibigay ang kailangan nila sa pag-aaral. Pati mga pagkain.’’

‘‘Talaga po?’’

‘‘Oo, ‘yun ang gusto ni Lolo Nado,’’

Tuwang-tuwa si Daniel

(Itutuloy)

TRUE CONFESSION

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with