^

Punto Mo

EDITORYAL - Mga matatakaw na negosyante, bantayan

Pang-masa
EDITORYAL - Mga matatakaw na negosyante, bantayan

PAGKATAPOS ng bagyo, baha, lindol o anupamang kalamidad, nagsisilabasan ang mga matatakaw na negosyante. Wala silang ipinagkaiba sa mga buwitre na nag-aabang nang malalapa. Sasamantalahin ng mga ganid ang pagkakataon para kumita nang malaki ngayong marami ang nawalan ng bahay at kailangan ng pagkain. Titipak sila nang limpak na pera sa mga ibibenta ngayon dahil wala nang pagpipilian ang mga tao. Kahit mahal, bibili ang mga ito sapagkat lubhang kailangan.

Ang pagbabantay ng Department of Trade and Industry (DTI) sa mga lugar na napinsala ni Karding ay dapat paigtingin. Tiyak na itataas ng mga ganid na negosyante ang presyo ng kanilang produkto particular ang pagkain at mga gagamiting materyales para sa pagpapatayo ng mga nasirang bahay. Mula sa pako, yero, coco lumber at iba pang construction materials ay tiyak na itataas ng mga tusong ne­gosyante. Wala sa bokabularyo nila ang awa sa kapwa bagkus ang pagkita ng pera ang kanilang minimithi sa tuwina. Para sa kanila, wala nang kapwa-kapwa pa sa panahon ngayon.

Grabeng tinamaan ng Bagyong Karding ang limang bayan sa Quezon’s Polilio Group of Island na kinabibilangan ng Polilio, Burdeos, Panukulan, Jomalig at Patnanungan. Halos lahat ng bahay sa mga nasabing bayan ay nawasak sapagkat doon nag-landfall ang Bagyong Karding. Pati mga school ay nawasak kaya walang gagamitin ang mga estudyante.

Grabe ring nasira ang pananim sa mga lugar na nabanggit kaya humihingi ng tulong ang mga residente. Hindi raw nila alam kung paano makakaba­ngon sa pinsalang dinulot ng bagyo. Bagama’t marami ang nawasak na bahay, naipagpapasalamat ng mga biktima na walang namatay o nasugatan sa kanila.

Kasabay sa pagtulong sa mga nabiktima ng Bagyong Karding sa Quezon, Aurora, Bulacan, Pampanga at Nueva Ecija, nararapat bantayan ang mga matatakaw na negosyante sa mga nabanggit na lugar. Huwag hayaang mabiktimang muli ang mga nabiktima ng bagyo. Hindi sila dapat pabayaan sa sitwasyong ito.

CALAMITY

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with