^

Punto Mo

Pasaway na drivers, ‘wag tantanan!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

TULUY-TULOY ang surprised at random drug test na ginagawa ng mga  awtoridad sa mga driver ng mga pampublikong sasakyan sa iba’t ibang terminal sa Metro Manila.

Sa ilalim ito ng inilunsad na programang ‘Oplan Ligtas Kalsada Kontra Droga’.

Ayos ang programang ito,  dahil  nga sa biglaan at random,  huli at mabubuko ang mga driver maging mga konduktor na gumagamit ng ilegal na droga.

Isabay na rin ang alcohol test.

Layon nito na maprotektahan ang mga pasahero sa mga pasaway na driver. Pasaway dahil inilalagay sa panganib ang buhay ng kanilang mga sakay.

Sa mga ginawa at ginagawang drug test ng Land Transportation Office (LTO) kasama ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), eh talagang may mahuhuli at may nagpopositibong mga driver na gumagamit ng ilegal na droga.

Lubhang napakadelikado nito,  may mga insidente pa nga sadya raw gumagamit talaga ng ilegal na droga ang ilang pasaway na driver partikular yung nasa malayuang biyahe.

Panggising daw nila ang droga para raw hindi sila antukin at makatulog habang hawak ang manibela.

O di ba kalokohan ng mga ito, pinangatuwiranan pa ang ilegal nilang aktibidades.

Marapat siguro sa bawat biyahe ng mga ito sa mga terminal bagamat magastos, kailangan talagang ma-test muna ang mga driver sa ilegal na droga at maging sa alkohol.

May ilan pa ring pasaway na driver na tila walang pakiaalam sa kaligtasan ng kanyang mga pasahero, kapag nagkaaberya o aksidente ang ikakatuwiran nawalan ng preno kahit hindi naman totoo.

Kailangan siguro sa operators pa lang masuri o mabusisi na nila nang husto ang kukunin nilang driver  dahil sila rin ang mahihirapan kung magiging pasaway ang mga ito.

Batay sa datos ng LTO,  mahigit 400 mula sa 538 na aksidente sa kalsada na naitala sa National Capital Region (NCR) kada taon, ang nadiskubreng lasing o ‘tumira ‘ ang  driver.

DRIVER

Philstar
  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with