^

Punto Mo

Psychology facts (Part 4)

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

• Kapag nabisto mong may gusto sa iyo ang isang tao, natututuhan mo rin siyang mahalin kahit sa umpisa ay wala kang gusto sa kanya.

• Mga 6 hanggang 8 buwan bago ma-process ng iyong utak na mapatawad ang taong nanakit ng iyong damdamin.

• Senyales na manggagamit ang girlfriend mo: 1) Ikaw ang kanyang pinapagastos sa lahat ng bagay kapag magkasama kayo. 2) Busy-bisihan ang drama kaya bihira kayong magkita pero biglang magpapakita kapag may kailangan sa iyo. 3) Umiiwas sa seryosohang pag-uusap lalo na kung tungkol sa pagpapakasal.

• Kapag sobrang “intense” ang nararanasang orgasm ng isang babae, puwede siyang mawalan ng paningin sa loob ng ilang segundo.

• Kapag iniibig mo ang iyong katabi sa pagtulog, ikaw ay mabilis makatulog, nababawasan ang nadadamang depresyon at malaki ang tsansang magkaroon ng mahabang buhay.

• Mas mabilis ma-in love ang mga babae sa mga lalaking kaya silang patawanin.

• Ayon sa isang pag-aaral, mas gusto ng ibang babae na mas matanda sa kanya ang lalaki ng anim na taon.

• Ang pinakawagas daw na pag-ibig ay iyong basta mo na lang minahal ang isang tao nang walang dahilan.

• Mas masama ang misis na nangangaliwa kaysa mister na nangangaliwa. Ang mister ay humahanap ng ibang babae dahil lamang sa “lust” ngunit misis pa rin ang kanyang minamahal. Ang mga babae ay emosyunal, ibinibigay niya ang sarili sa taong mahal niya. Malamang na mas nakahihigit ang katangian ng new boylet kaysa kanyang mister.

PSYCHOLOGY

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with