^

Punto Mo

Ginger (163)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“ANO ‘yung balon na sinasabi ni Tatang Nado sa sulat, Anton. Dun daw  nakatago ang mga mamahaling stones?’’ tanong ni Ginger.

“’Dun sa balon na iyon ko kinuha ang bato na nagpagaling sa’yo, Ginger. Nung una, inakala ko na mainit ang balon dahil nagbabaga ang ilalim. Mistulang pugon dahil nga mapulang-mapula ang baga. Pero nang kunin ko ang bato, hindi mainit! At napansin ko rin na nagpapalit-palit ang kulay ng baga—asul, berde, violet, dilaw at orange. Ngayon ko lang naisip na kaya ganun, mga mamahaling bato pala ang nasa ilalim. At ngayon ko rin naalala na pagkatapos kong makuha ang mahiwagang bato, tinanong ako ni Tatang Nado kung mayroon akong napansin sa ilalim ng balon. Sagot ko ay wala. At napangiti na lang si Tatang Nado. Talaga namang wala akong napansin. Ang tanging nakita ko ay ang bato na nagligtas sa buhay mo.’’

“Kaya siguro, nagtiwala sa iyo si Tatang Nado. Wala kang masamang iniisip o pagtatangka man lang gayung mina pala ng precious stones ang nasa harap mo.’’

“Siguro nga Ginger.’’

KINABUKASAN, kinausap ni Anton at Ginger si Daniel ukol sa mga bata na tinutulu­ngan ni Tatang Nado.

“Totoo ba na maraming batang tinutulungan si Tatang Nado, Daniel?’’ tanong ni Ginger.

“Opo Tita Ginger. Mayroon po akong listahan.’’

‘‘Nasaan sila ngayon?’’

‘‘Kapiling po sila ng kanilang mga magulang. Ang mga bahay po nila ay nasa ibaba lang ng kubo ni Lolo. Masyado pong mahirap ang buhay nila kaya ipinasya ni Lolo na tulungan.’’

‘‘Ibigay mo sa akin ang listahan.’’

“Opo Tita. Wait lang po.’’

(Itutuloy)

GINGER

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with