^

Punto Mo

Pamilya sa India, 1-taong inalagaan ang bangkay ng kaanak dahil inakala nilang naka-comatose lang ito!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG 35-anyos na la­laki sa India ang mahigit 1-taon na inaalagaan ng kanyang pamilya kahit siya’y namatay na noong Abril 2021. Ito ay sa kadahilanan na akala ng mga kaanak niya ay naka-comatose lamang.

Noong Abril 19, 2021, na-admit sa ospital si Vimlesh Sonkar dahil sa severe COVID-19. Matapos ang tatlong araw sa ospital, binawian ito ng buhay. Naglabas na ng death certificate ang ospital ngunit ayaw itong tanggapin ng kanyang pamilya. Imbis na ilibing, inuwi nila ang bangkay nito sa kanilang tahanan sa paniwalang naka-coma lang ito at magigising kalaunan.

Sa report ng Times of India, walang makuhang malinaw na dahilan ang mga pulis kung bakit ayaw tanggapin ng pamilya ni Sonkar ang pagkamatay nito. Sa loob ng isang taon at limang buwan, halinhinang inaalagaan ng pamilya ang bangkay ni Sonkar. Nililinis nila ito ng disinfectant three times a day, pinapalitan ng damit araw-araw at 24/7 na bukas ang aircon sa kuwarto kung saan ito nakahimlay.

Natuklasan ang “mummified” na katawan ni Sonkar nang bumisita ang mga kasamahan nito sa trabaho upang imbestigahan kung bakit isang taon nang hindi ito pumapasok sa opisina. Simula kasi nang hindi na sumisipot sa trabaho si Sonkar, mga kapatid na lang nito ang nakakausap nila sa telepono at sinasabing may sakit daw ito.

Nang nireport ng mga kaopisina sa pulis ang tungkol dito, saka lamang tinanggap ng pamilya ni Sonkar ang katotohanan. Sa harap ng mga pulis, sumailalim sa cremation ang bangkay ni Sonkar.

Dahil wala namang krimen na naganap, walang kakasuhan ang mga awtoridad.

INDIA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with