^

Punto Mo

EDITORYAL - Hukay dito, hukay doon ang DPWH

Pang-masa
EDITORYAL - Hukay dito, hukay doon ang DPWH

MARAMING isinasagawang paghuhukay sa kalsada ngayon ang Department of Public Works and Highways (DPWH). At itinaon pa nila ang paghuhukay kung kailan panahon ng tag-ulan at tagbaha. Mayroong sinimulang hukayin pero nakatiwangwang at hindi tinakpan ang hukay.

Hindi ba puwedeng gawin nila ang mga ito kung panahon ng tag-init? Hindi ba puwedeng gawin ang mga ito kung walang pasok ang mga estudyante? Hindi ba maaaring gawin ang pagsasaayos o pagsesemento kung weekend para hindi makasagabal sa daloy ng trapiko? Ang mga paghuhukay at pagsasaayos ng kalsada ang isa sa mga pangunahing dahilan ng trapik ngayon sa mga pangunahing kalsada, partikular sa EDSA.

Maraming paghuhukay na isinasagawa ang DPWH at mababanggit dito ang Tandang Sora corner Commonwealth Avenue, Quezon City na ilang buwan nang ginagawa subalit hanggang ngayon ay hindi pa natatapos. Nakasaad sa tarpaulin na nakadispley sa construction site na dapat ay noong nakaraang buwan pa natapos ang pagsesemento sa kahabaan ng Tandang Sora subalit hanggang ngayon, hindi pa natatapos. Sa umaga, usad pagong ang mga sasakyan sa nasabing kalsada sapagkat butas-butas ang kalsada at mayroong mga drainage na hindi tinakpan o ni­lagyan man lang ng babala na may malalim na hukay. Sa gabi, wala ring makitang maliwanag na signages para makapag-ingat ang motorista.

Sa Dapitan St., sa Maynila, taon na ang binibilang ng ginagawang paghuhukay at walang palatandaan na matatapos. Inabutan na ng face-to-face classes nang malaking unibersidad ang paghuhukay at tila walang balak na madaliin. Maraming bagyo at pagbaha na ang dumaan at walang pagbabago sa ginagawang mga paghuhukay.

May mga paghuhukay ding ginagawa sa Blumentritt at Maceda Sts. sa Maynila na lalong nagpapabigat ng trapik sa lugar. Naghuhukay din sa bahagi ng San Lazaro St. Sta. Cruz.

Marami pang paghuhukay at pagbubungkal ang ginagawa ngayon ng DPWH. Noon pa laging mali sa panahon ang pagsasagawa ng mga pagkukumpuni sa kalsada. Ang mga ginagawang paghuhukay ay isa sa dahilan nang mabigat na trapik sa maraming lugar sa Metro Manila.

vuukle comment

DPWH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with