^

Punto Mo

Mismong commuters may kaba sa inaprubahang ‘standing passengers’ sa PUVs

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

PINAPAYAGAN na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB)  ang standing passengers sa loob ng ilang Public Utility Vehicle (PUV) na bumibiyahe sa mga lugar sa  ilalim ng Alert Level 1.

May mga panuntunan  na inilabas ang LTFRB na nagsabing, tanging sa mga Public Utility Bus (PUB) at Modern Public Utility Jeepney (MPUJ) Class 2 lamang   papayagan na magkaroon ng pasaherong nakatayo.

Nagbigay din sila ng maximum na bilang na pasaherong nakatayo  at  one-person apart ang pagitan.

Hati rito ang opinyon ng mga pasahero.

Medyo may kaba pa rin sila na posibleng hindi na maipatupad nang maayos ang health protocol.

Malamang umano na magkapalitan na naman ng mukha sa ganitong sistema at maging banta sa hawaan ng COVID-19.

Kung susumahin, medyo may takot pa rin ang marami sa ganitong mga pagluluwag.

Nang alisin ang mandatory na pagsusuot ng face mask sa mga open spaces aba’y kahit hanggang ngayon madalang o minsan wala pa nga ang makikita mong walang face mask ibig sabihin mas pinipili ng marami ang merong proteksyon laban sa virus.

Ngayong papayagan ang tayuan sa ilang PUVs, dito sila may kaba.

Ginawa naman ito para  matulungan ang marami pang  commuters na hirap pa rin sa pagsakay dahil sa  kakulangan pa ng pampublikong sasakyan.

Nagkasabay sabay kasi, ang pasok trabaho at ang face to face classes na mistulang pre-pandemic na ang labanan pero kulang pa rin sa masasakyan.

Eh bakit nga ba hindi na lang dagdagan o agad nang buksan ang mga isinarang ruta ng PUVs para ma-accommodate ang dami ng mga commuters.

Bukod dito mga PUVs drivers na matagal na hindi nakabiyahe.

LTFRB

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with